Kabanata 11
I didn't even sleep a blink. Naramdaman ko nalang na sinikatan na ako ng araw habang nakatitig ng taimtim sa ceiling. Knowing that Daxel is sleeping on my bed, hindi man lang ako dinalaw ng antok.
And after that conversation, hindi talaga ako makakatulog ng maayos. Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinabi 'yon kagabi. Dahil siguro sa sobrang kalasingan, tama, dahil nga do'n.
Bumangon ako na sobrang lalim ang iniisip at dumiretso papasok ng banyo. I showered while still deep in thoughts. Mabuti nalang at Sabado ngayon at wala akong pasok. I can feel my head hurts due to lack of sleep. Matapos ko maligo ay kinuha ko na kaagad ang tuwalya ko at itinapis ito sa katawan ko.
"Ay shit..." napapikit ako ng mariin nang maalala na may ibang tao pa pala rito bukod sa'kin.
Naisip ko na suotin nalang ang sinuot ko kanina kaso napangiwi ako nang maalalang ibinabad ko kaagad iyon para malabhan kinabukasan. May mga damit akong nakasampay kaso kailangan ko pa rin madaanan ang kwarto ko dahil nando'n ang balkonahe.
Makakapagbihis lang ako kung pupunta ako sa kwarto ko, na tanging harang lang ang pagitan sa kinalalagyan ko ngayon.
Sa kwarto ko kung saan kasalukuyang natutulog si Daxel.
Shit.
Dahan-dahan at maingat akong naglakad patungo roon at sumilip. Nakatalukbong siya ng comforter at nakatalikod. I can see his naked back from here.
Sinamantala ko ang pagkakataong 'yon para maglakad patungo sa drawer na katabi lang ng kama ko. Hindi ako humihinga at iniiwasan kong gumawa ng kahit anong ingay.
Kumuha ako ng saplot sa drawer, at siyempre, saktong saktong bumangon si Daxel at nakita ako. Nakahawak pa ako sa panty ko habang gulat-gulat kaming nagtinginan sa isa't isa.
"G-Good morning." mabilis na sabi ko at naglakad kaagad palabas na parang wala lang nangyari.
Nagmumura ako sa isipan ko habang nagbibihis sa loob ng banyo. Ang ganda lang ng simula ng umaga ko, parang gusto ko na lumayas ng apartment, tumira sa malayo, at palitan ang pangalan ko.
Nilakasan ko ang loob ko at umasang isipin niya na panaginip lang ang nakita niya kanina. Pagkapunta ko ay nakasuot na siya ng shirt ngunit nanatiling nakaupo sa kama ko.
"K-Kamusta ang pakiramdam mo?" I asked.
He glanced at me. Nakita ko ang takot at pag-aalala sa mukha niya. Nag-iwas siya ng tingin sa'kin. He sighed deeply and covered his face using his hand.
"D-Did I do something weird last night?" his husky bedroom voice made me flinch.
"Sa dami no'n, alin do'n?" pang-aasar ko.
Nanlaki ang mata niya at gulat na tumingin sa'kin. His gentle doe eyes made me want to tease him more.
"A-Anong nangyari?"
Ngumuso ako. "Hindi mo matandaan?"
"Wala akong matandaan."
"Hmm, sayang naman kung gano'n."
Nakita kong umawang ng bahagya ang labi niya dahil sa sinabi ko. I bit my lip trying to suppress a smile.
This is my payback because it's your fault that I couldn't sleep last night. Sige lang, magtanong ka lang. Feed your damn curiosity, Daxel Kieran.
"A-Anong ginawa ko?" the panic in his voice is very evident.
Dahil gusto ko siyang pagtripan ay naglakad ako palapit sa kanya habang pinapanatili ang seryosong mukha. I saw him swallow hard, the movement of his adam's apple is so obvious. I leaned closer to him as he stiffened.
BINABASA MO ANG
Against the Barrier (Magnates Series #1)
RomansaThis book is published under IMMAC PPH (Magnates Series #1) Being an heiress to a wealthy family, political marriage is one way to prolong the Pontevera's legacy. But Ishina Astrid Pontevera chooses to live independently without all the privileges...