Kabanata 7

45.2K 2.1K 974
                                    

Kabanata 7

"Vera? Ayos ka lang?"

Nakatalukbong ang buong katawan ko ng kumot at pinipilit ko matulog. Narinig ko ang boses ni Vio na mukhang kakapasok lang ng kwarto. Tinanggal ko ng bahagya ang kumot ko at marahang tumango.

Dalawang oras na simula nang mangyari iyon pero pakiramdam ko parang kanina lang. Seeing them together, gano'n ang ayos at itsura, tapos mukhang pagod at kalalabas lang ng kwarto, what should I think then?

"May event mamaya ang resort. Pupunta ka?" tanong Vio na mukhang nag-aalala.

I bit my lip while shaking my head.

Wala ako sa mood.

Hindi na niya ako tinanong dahil mukhang naramdaman niya. Nakita kong kinuha niya lang ang pamalit niya at pumasok na ng banyo.

Ano naman ngayon kung naabutan ko sila sa sitwasyon na 'yon? They're both adults for pete's sake, they can do whatever they want!

Siguro kaya ganito ang naramdaman ko dahil iba ang pagkakakilala ko kay Daxel. I thought he would avoid such circumstances. Pakiramdam ko naging protective na nanay ako na ayaw na may masamang mangyari sa anak.

Tama, gano'n nga siguro.

Natigil ako sa pag-iisip nang lumagabog ang pintuan at masiglang pumasok si Raze. "Magpeperform si Daxel mamaya!"

Narinig ko rin ang tili ni Vio mula sa banyo. Dinungaw niya ang ulo niya palabas. "Sayang! Mukhang 'di manonood si Vera!"

Nagulat si Raze at agad na napatingin sa'kin.

"Ay, bakit?" he asked.

"Inaantok na 'ko."

Nakita kong nagkatinginan sina Vio at Raze na parang nangungusap ang mga mata. Nagkibit-balikat si Vio at bumuntong hininga si Raze.

"Alright, rest well then."

Umalis na silang dalawa at naiwan na 'ko sa kwarto. Halos sabunutan ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko wala sa lugar ang pagiging sumpungin ko. Mas lalo akong nanlumo sa pag-iisip na sinasayang ko ang masayang trip na 'to dahil lang sa kung anu-anong iniisip ko.

My God, Vera! Why are you acting like a child?

Ilang minuto ang tinagal ko bago ko napagdesisyunang tumayo.

Still wearing my spaghetti strap dress and cardigan, I went outside of the room. Napatigil ako nang makitang madadaanan ko ang room nina Daxel. Huminga ako nang malalim at tahimik na nilagpasan 'yon.

When I went downstairs, nakatipon ang iilang tao sa baba. The venue looks like the resort is having a concert. Different lights filled the entire area. The atmosphere is calming, plus the sound of the sea nearby makes it more breath-defying.

Hindi pa ako nakakalapit ay rinig ko na kaagad ang pamilyar na boses at tunog ng gitara sa 'di kalayuan. Naghiyawan ang mga manonood dahil sa performance.

I was leaning against a coconut tree, trying to hide from the crowd. I was watching the performance from the far back, but still enough for me to see it.

Daxel is wearing a Hawaiian shirt which is slightly unbuttoned, showing his collarbones and pecs a little. The black maong shorts and gladiator sandals completed his outfit. The way the wind blew some of the strands of his hair covering his drowsy doe eyes, and how his jaw clenched while hitting the high notes made me question what scenery is really breathtaking to look at, him, or the beach?

"Why are you watching it here?" a low soft voice said.

I almost jumped in fear. The front-desk guy, the handsome and expressionless man, the one they called Draisen, appeared in the back. Wala pa ring emosyon ang kanyang mukha nang tinanong sa'kin 'yon.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon