Kabanata 23
Nanatili kaming tahimik sa loob ng sasakyan. It was a black luxury car. Pamilyar ako sa mga ganitong klase ng kotse dahil mahilig ang Dad at kapatid kong mangolekta ng mga sports luxury cars.
Sobra akong nailang dahil wala man lang nagsasalita sa amin. I am bothered that he did not even asked why I held his hand. Hindi niya ba naintindihan ang gusto kong ipahiwatig?
Nasapok ko ang ulo ko. Sabagay, sino ba namang matinong tao na gagawin 'yon bilang paraan ng pagsagot sa manliligaw?
I had boyfriends but I never felt this strongly before. Maybe because I mainly accepted them because I was attracted and infatuated, not to the point that I'd feel like this. This is different. Very different.
"B-Bakit kailangan pang magmaneho papunta roon kahit malapit lang?" pag-uumpisa ko ng topic.
He cleared his throat. "Utos ng may-ari."
Nalaglag ang panga ko. Bakit naman mag-uutos 'yong may-ari ng gano'n?!
"Ha?! Bakit naman kailangan pang magsundo gamit ang isang mamahalin na sasakyan na katulad nito? Nag-a-apply pa lang naman ako!"
"Gusto ka niyang makausap."
"Ano bang sinabi mo sa kanya?"
"That I highly recommend you. Sa sobrang tiwala niya sa'kin, lahat ng nirerekomenda ko ay gusto niyang personal na makilala."
My jaw dropped. Grabe naman 'yon!
"Sabi kong hayaan mo 'ko sa gan'to, e!"
"I just recommended you. Nakasalalay pa rin naman sa kakayahan mo kung tatanggapin ka o hindi." pagpapagaan niya sa usapan. "Pero sinasabi ko na sa'yo, tatanggapin ka."
"At bakit naman parang siguradong sigurado ka?"
Tumikhim siya. "B-Because I know you're a good employee."
My eyes narrowed. "How do you know if you don't even see me working?"
"Personality-wise, I guess? I think you'd do good as an employee."
Mas lalo lang naningkit ang mata ko sa sinabi niya. He was so sure that I'd get hired easily. Pero hindi ba ang sabi niya na nagbubuhat siya ng mga materyales dito? Paano niya nagagawang makausap na parang wala lang 'yong may-ari?
Pumasok ang sasakyan papasok sa loob ng gusali. Napanganga ako nang makita ang loob. Mas malawak ito at sobrang laki! Maybe because it is a manufacturing company, and since it's for the aircraft engines and materials, they will surely need a wide space for it.
May napansin akong malawak na field sa may gilid at may mga nakahilerang iba't ibang klase ng aircraft. Hindi nagtagal iyon dahil pumasok na ang sasakyan patungo sa loob ng parking lot.
"Baka naman isipin ng may-ari na sipsip ako at ginagamit kita para lang makapasok sa kompanyang 'to?"
Umiling siya. "I assure you that he won't think like that."
I sighed. "Naiinis pa rin ako dahil sa ginawa mo."
His lips protruded. Mukhang nagiguilty rin siya dahil gano'n ang pinag-iisip ko. Although I am truly grateful, but I really want to do it myself. I may be stubborn because I've been living independently, I can't help it. Sobra na akong nadala dahil sa nangyari sa De Velar. Ayoko ng muling maulit 'yon.
"I'm sorry, okay?" he sighed after a few seconds of silence.
"No, I should apologize. I should be thanking you for this."
Bahagyang nagulat siya sa sinabi ko. Mukhang hindi inaasahan na magsosorry ako. Ngumiti ako at bumaling sa kanya.
"You don't have to do this just because you're my boyfriend."
BINABASA MO ANG
Against the Barrier (Magnates Series #1)
RomanceThis book is published under IMMAC PPH (Magnates Series #1) Being an heiress to a wealthy family, political marriage is one way to prolong the Pontevera's legacy. But Ishina Astrid Pontevera chooses to live independently without all the privileges...