Kabanata 5

53.6K 2.2K 1.3K
                                    

Kabanata 5

I woke up Saturday afternoon with a painful hangover. Tinanghali ako ng gising, mabuti nalang ay walang pasok. Hindi ko masyadong maalala ang nangyari kagabi pero alam kong may katangahan akong ginawa.

I just remembered having a few coversation with Daxel but I can't remember the exact details. Naalala ko na bumalik sa'kin sina Raze at Vio at nagulat na lasing ako. Umalis na si Daxel kaya naman nakatulog ako sa table. Pagkagising ko ay nasa apartment na ako.

"Great job, Vera!" sarkastikong sabi ko habang nagsisipilyo. "Ang galing galing mo talaga."

Nagluto ako ng mainit na sabaw para maibsan ang sakit ng ulo ko. Nagpapasalamat nalang ako na hindi ako nagsuka matapos kong kumain. Tinignan ko ang loob ng fridge at nang makita na wala na masyadong laman ito ay napagdesisyunan kong maggrocery.

"Uy, andito ka pala."

Nakasalubong ko bigla si Crest habang tumitingin ako ng gulay sa isa sa mga aisle ng market. May dala-dala siyang cart at mukhang naggogrocery rin.

"Hello." I waved and smiled at him.

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano habang sabay na namimili. Hindi ko maiwasang matawa dahil nakakatawa 'yong paraan ng pagkukwento niya. Napakagaan niyang kasama kaya nag-enjoy ako.

"Hindi ko nga alam kung bakit bigla nalang nawala si Mr. Flordeliz." pagkukwento ni Crest. "Mas naging maayos tuloy ang pagpapatakbo sa Finance Department, wala rin naman siya masyadong naiaambag kung hindi ang posisyon na 'yon."

"Ayos lang ba na pagsalitaan mo ng ganyan ang boss mo?" natatawang sabi ko.

Ngumiwi siya. "Pake ko sa kanya. Wala naman siyang kwentang boss."

Umiling ako at natawa dahil napakadiretso nang pagkakasabi niya no'n.

"Nagulat nga ako na pumayag kang maging secretary niya. Napapabalita pa naman ang pagpatol niya sa mga magaganda at bata. Kaya nga nang makita kita do'n no'ng nakaraan ay gusto na kitang sabihan na 'wag na ituloy."

I bit my lip. Siguro nga kung nagkataon na natuloy 'yon ay baka kung ano nga ang mangyari sa'kin.

"May pumalit na ba sa kanya?" tanong ko.

"Si Sir Darius ang nag-aasikaso ngayon. Mas naging maganda ang takbo ng Department namin dahil sa kanya."

Naalala ko tuloy ulit si Sir Darius. Halata na mapagbiro siya at malakas ang trip minsan pero mukha siyang responsable at seryoso sa ginagawa niya. Nararapat lang siya sa mataas na posisyon na 'yon sa kompanya.

"Nagulat nga kami dahil hindi naman namin siya madalas nakikita dahil busy siya sa ibang trabaho niya. Pamilya niya pa naman ang may-ari ng De Velar kaya hindi niya mapabayaan."

Nanlaki ang mata ko. "Pagmamay-ari nila 'yon?"

Tumango siya. "Oo, silang magkakapatid ang nagmamanage ng mga kompanya. Tatlo sila, pero minsan pinagpapasa-pasahan nila 'yong kompanya dahil sa dami ng inaasikaso nilang business."

"Bakit parang wala man lang nakakaalam tungkol do'n?" tanong ko.

"Baka wala sila masyadong pakialam sa clothing line company. Sa bagay, barya lang siguro ang tingin nila sa isang maliit na kompanya gaya ng De Velar."

"Maliit pa 'yon?!"

Tumango si Crest. "Ang alam ko nakafocus ang business nila sa pagmanufacture ng mga materyales para sa mga kotse, eroplano, barko, gano'n. Sila ata ang nagsusupply no'n sa buong Pilipinas."

Napakunot ang noo ko habang pinapakinggan 'yon. I've never heard of them before. De Velar? Madalas pumupunta ang pamilya ko sa mga elite social gatherings. Pontevera is known as one of the powerful magnates. But I never heard of De Velar.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon