Kabanata 3

51.1K 2K 893
                                    

Kabanata 3

"Kamusta? May masama bang nangyari? Did he do something to you?"

Pinaulanan kaagad ako ng katanungan nina Raze at Vio nang makapasok ako sa office. Mukha akong bangag ngayon dahil hindi ako nakatulog nang maayos. I still can't believe what happened last night.

Umupo ako sa upuan ko at pinalibutan ako ng dalawa. The worried look on their faces is heartwarming and I know if I told them what happened they would attack me with lectures. Kinwento ko nga ang pangyayari at nakita ko ang pagbabago kaagad ng reaksyon ng dalawa.

"What were you thinking?! My God, Vera!" Vio exclaimed after I told them everything.

I knew it. They would be mad. That was to be expected. I'm mad at myself as well.

"Vera, ano ba! Alam mo kung gaano kadesperado ang matandang 'yon! Tapos bigla kang papayag?! Anong klaseng katangahan 'yon?! Oh my God!" Vio's angry face is visible. Nasapo niya ang kanyang noo bago balingan ulit ako ng masamang tingin.

"Don't do this, Vera. You'll be in a much greater hell." Raze tried to calm Vio up.

Hindi ko sinabi ang kabuohang kwento. I just told them that I accepted the offer. Hindi nila alam na ginawa ko 'yon para hindi madawit ang isang tao at hindi mawalan ng trabaho. The guilt would haunt me if I didn't do anything about it. At that moment, that was all I could think about to manage the situation.

"Please Vera, tell me you're not really gonna do it." Vio held both my shoulders. She's calm now but the anger is still evident in her eyes.

Napabuntong hininga ako bilang sagot. Mas lalo lang silang nag-alala at mukhang alam nila na desidido nga ako sa gagawin ko.

"You're not going to do it because you wanted that position, Vera. I know you." Raze looked directly into my eyes.

Bahagyang lumambot ang puso ko dahil do'n. They surely know me. Kahit anong sitwasyon, hindi ko gagamitin 'yon para manlamang ng kapwa. I wanted to earn it.

Muling bumuntong hininga si Vio bago ako yakapin. "Alam mo napakabait mo pero talagang ang tanga ng desisyon na 'to. I still love you, though."

Natawa ako sa sinabi niya at niyakap siya pabalik.

"Ms. Pontevera, pinapatawag ka sa Finance Department." one of the office workers entered the office.

Tumango ako bilang sagot. Nakita ko ang lungkot nina Vio at Raze habang pinagmamasdan ako. I tried to laugh to make the situation comfortable but I know for sure that they were still not in favor of my decision.

Inayos ko ang mga gamit ko bilang paghahanda sa paglipat. I already accepted the offer, there's no backing down now. Ang hirap bitawan 'tong lahat dahil kahit papaano ay naka-adjust naman na ako. Pero kung talagang may mangyari man sa akin na hindi ko magustuhan at hindi dahil sa trabaho, aalis ako.

Habang nag-aayos ako ay kita ko pa rin ang lungkot at simangot ng dalawa. Two years with them is a happy memory for me.

"So, this is it, huh," I muttered.

Vio and Raze stood up and hugged me tightly. Natawa ako dahil do'n pero ramdam ko ang kalungkutan. I hugged them back.

"Hindi naman ako nasisante, lilipat lang ng ibang floor." natatawang sambit ko habang nakayakap pa rin sila.

"Sama ka pa rin sa barhopping, ha! Hindi masaya kapag wala ka." malungkot na sabi ni Vio kaya tumango ako.

"Don't hesitate to call us if you need anything," Raze said.

Muli ko silang pinagmasdan bago ko tuluyang kinuha ang mga gamit ko. Gusto ko marecognize ang talent ko, oo, pero hindi sa ganitong paraan. Sobrang mamimiss ko 'tong Marketing Department dahil dito ako nagsimula.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon