Kabanata 37

49.8K 1.7K 555
                                    

Kabanata 37

Hinatid ako ni Daxel papunta sa Pampanga para sa groundbreaking ng residential project. Didiretso naman daw siya papuntang Batangas para bumalik sa Avitech. Nagtalo pa nga kami dahil malayo ang magiging byahe niya pabalik pero ayos lang naman daw.

"I want to see your first project."

I smiled teasingly. "Supportive boyfriend."

"Of course. And I will always be."

Natigil kami sa pag-uusap nang biglang tumunog ang cellphone ko. It was a call from Dad so I answered it.

"Yes, Dad?"

"I'm on my way to the site for the groundbreaking."

Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Daxel. Shit. Baka kung ano isipin ni Dad kapag nakita kaming magkasamang dalawa.

"H-How about your business trip, Dad?"

"I canceled it. This is more important and I want to see your first project. Your mom's already there. See you."

"S-See you..."

Pinatay ko ang tawag at tinignan kaagad ako ni Daxel na parang nagtatanong.

"Pupunta si Dad," I told him.

"Uh huh, anong problema do'n?"

"H-He'll see you..."

Natahimik siya sa sinabi ko. Hindi ko naman intensyong itago ang relasyon naming dalawa. Ngayon lang pumasok sa utak ko na maraming press do'n. And I already made an official statement during the conference back then. Kung makikita kaming magkasama ay baka ma-issue na naman.

"Let's just say I checked the site and am interested to invest in further projects."

Tumango ako sa plano niya. I actually felt bad of the situation. Mukha tuloy tinatago ko siya para lang maprotektahan ang reputasyon ko.

As expected, different tents and a stage was set up for the event. Nando'n na rin ang mga engineers at ang mga importanteng tao sa proyektong ito. Nakahilera na rin ang bawat media sa gilid. Daxel parked the car a bit far from the area.

"Mauna ka na. Mahirap kung magkikita tayong magkasama." he stated.

I looked at him and bit my lip. "I-I'm sorry,"

He smiled and caressed my cheek. "Don't be. I'm already happy that you accepted me again. Don't be pressured and just do what you want to do."

I leaned forward and gave him a quick peck on the cheeks. "T-Thank you."

Lumabas ako ng sasakyan at dumiretso malapit sa nakahandang malawak na tent. My mom immediately went to me for an embrace.

"I'm so proud of you, Astrid..." she kissed my cheeks.

"Thanks, Mom."

Kumalas siya ng yakap at nginitian ako. Sunod na sumalubong sa amin ang mga nag-organize ng event. Habang nagaganap ang ceremony ay hinanap ko kaagad si Daxel sa paligid. I quickly glanced at him, he was talking to some businessmen.

Our gaze immediately met. He nodded and smiled at me. I smiled back and waved a little.

Nakipag-usap ako sa mga engineer in charged of the construction. Hindi kalaunan ay nag-aya na para magpapicture para sa official publication ng groundbreaking ceremony.

"What's a Velarde doing here?"

Nagulat ako sa sinabi ni Mommy at sinundan ko ang tinuro niya. My jaw dropped when I saw Daxel talking to my Dad. Kinabahan kaagad ako dahil do'n. Hindi naman nagtagal ay pumunta sa amin si Dad. Daxel is following behind him.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon