Kabanata 6

44.9K 1.8K 868
                                    

Kabanata 6

"Ang dami kaagad umaligid, girl." natatawang sambit ni Vio habang nakatingin pa rin do'n. "Parang may naglalakad na ulam sa dagat."

Hindi ako nagsalita at nakatitig lang ako do'n. Nasa second floor ang kwarto namin at kitang kita ko sila mula sa bintana.

His doe eyes and his innocent smile while talking to the tall, sexy foreigners is clearly seen from here. Ang lalaki ng mga balakang at dibdib ng mga banyaga at halos idikit nila ito sa sobrang lapit nila kay Daxel.

Nakita ko pa ang pasimpleng paghampas ng isang foreigner sa dibdib niya at tumawa lang siya. Iyong isa pang foreigner ay hinaplos ang braso ni Daxel pababa hanggang sa abs niya.

Wala palang balak, huh. Tuwang-tuwa pa nga.

"Vera." humalakhak si Vio nang bumaling sa'kin. "Kung makatitig ka parang tinutunaw mo na sila do'n. Kalma lang beh, ang puso mo."

Kinunotan ko siya ng noo dahil sa sinabi niya. Hindi ako sumagot at umalis nalang ako palayo sa bintana. Pakiramdam ko kapag tumitig pa ako ay baka kung ano lang ang pumasok sa isip ko.

"Sure kang 'yan ang susuotin mo?"

Binalingan ko ng tingin si Vio na pinagmamasdan ang suot ko. Tumango lang ako bilang sagot.

Kumuha siya ng puting bikini sa dala niya at nilahad 'yon sa'kin. "Ito suotin mo. Kabugin mo ang mga foreigner do'n."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi naman ako nakikipagkompetensiya. Pake ko sa kanila?"

"Dali na, suotin mo na 'to."

"Ayoko, hindi ko kayang magsuot ng ganyan."

"Isa, huhubaran kita!"

Natakot ako sa sinabi ni Vio ng makita ko ang seryosong mukha niya. Hindi pa rin ako pumayag.

Vio sighed, admitting defeat. "Fine! Pero ito ang suotin mo pangloob, underneath that rash guard."

"Para sa'n pa?"

"Basta!"

Ginawa ko nalang ang inutos niya tutal nakarashguard nalang rin naman ako. It was a white two piece bikini that has ribbon on the middle of the top part. Halos kita na ang dibdib at pwet ko dahil medyo manipis ito. Napangiwi ako habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin.

Natigilan ako nang biglang pumasok sa loob ng banyo si Vio. Nakita ko ang lapad ng ngiti niya habang pinapasadahan ako ng tingin.

"That body could make men kneel down." sumipol pa si Vio kaya naman nailang ako at tinakpan ng bahagya ang katawan ko.

Nagulat ako nang biglang kinuha ni Vio ang rash guard ko at agad na tumakbo palabas ng banyo.

"Ano ba, Vio! Ibalik mo!" naiiritang sabi ko.

Tumawa lang siya at lumabas ng kwarto. Nanatili ako sa loob habang tinatapunan siya ng matalim na tingin.

"I'm not gonna go outside wearing this." may diin ang pagkakasabi ko.

Nakita kong napabuntong hininga siya dahil alam niyang seryoso at naiinis na 'ko. Bumalik siya sa loob ng kwarto at inabot sa'kin ang rash guard.

"Sorry." she pouted.

Hindi ko siya sinagot at kinuha ang rash guard at padabog na sinuot 'yon.

"Alam mo, hindi mo dapat tinatago 'yan." she said while pointing at my body. "You should be proud of it, girl power!"

Napasinghal ako dahil sa sinabi niya. "I don't need to flaunt it. It's just that, I'm more comfortable with this."

"Oo na, sorry." ngumuso si Vio at tinawanan ko lang siya.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon