Kabanata 39

43.1K 1.6K 532
                                    

Kabanata 39

"Wait, wait, saan? Nasa'n ka?!" gulat na gulat na tanong ko. "Akala ko nasa hotel ka? Pa'no 'yong meeting? Bakit uuwi ka kaagad?"

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Hindi ko inaasahang masasayang ang pagpunta ko rito kung magkakasalisihan lang kami.

"I don't care anymore, I'm going home."

Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko. Palakad lakad ako sa hallway habang nag-iisip ng paraan kung paano siya mapupuntahan.

"Asa'n ka nga?!" desperado kong tanong.

"Inside my car, driving towards the airport." nahimigan ko ang pagtataka sa boses niya. "Why are you asking?"

"Bumalik ka sa hotel!"

"No, I'll go back to you."

"Hindi p'wede!"

"What? Anong hindi p'wede?"

Napafacepalm ako at bumuntong hininga. "Bumalik ka na sa hotel!"

"Why? Don't you want me to go home?"

"'C-Cause I'm here..." nanliit ang boses ko.

"What?"

"I'm here at the hotel!"

Nakarinig ako ng mabilis na preno mula sa kabilang linya. Kinabahan ako dahil sobrang lakas no'n para marinig ko.

"H-Hoy! Ayos ka lang?!"

"You're at the what?!"

"Nandito ako sa hotel! Bumalik ka na!"

"What—"

Biglang namatay ang tawag dahil lowbat na ang cellphone ko kaya mas lalo lang akong kinabahan. Pabalik balik ako ng lakad habang hawak ang ring box. Alam kong pinagtitinginan na ako sa may hallway kaya naman tumigil na ako.

"Can you tell me where Daxel Velarde's suite is?" I asked one of the desk clerks.

"I'm sorry, Ma'am, we are not allowed to share information about the guests."

I knew it. Sana pala pinaalam ko muna bago ako nagpunta rito. Pa'no na kami magkikita sa lagay na 'to? I forgot my charger and I can't contact him. Masyado kasi akong ninenerbyos kakaisip sa gagawin ko kapag nagkita na kami ni Daxel.

"Do you have any charging ports here?" I desperately asked the clerk again.

Mukhang nawi-weirduhan na siya sa'kin dahil sa pagtatanong ko. Umiling lang siya at hindi na ulit ako kinausap. Ano ba 'yan! Napakawrong timing!

I went back to the venue of the seminar. Marami pa ring tao ro'n at naisipan kong do'n na lang ako manatili. I was hoping Daxel would come looking for me here.

"Ms. Pontevera, what a pleasant surprise." another tycoon approached me.

"U-Uh, hey." I let out an awkward laugh.

"Jansen Vermundo, I managed an aviation company." pormal na pagpapakilala niya.

I didn't know the guy but I'm sure he's one of the business magnates. Sinubukan niya akong kausapin pero tipid lang ang sagot ko. I was looking at the surrounding, trying to find someone.

"Excuse me but do you have a charger with you?" hindi ko na napigilan ang pagtatanong. I raised my phone to show him.

Mukhang nagulat siya sa tinanong ko at hindi kalaunan ay natawa. "Yeah, it's in my suite."

"May I borrow it?" desperadong sabi ko.

"Sure, I'll get it on my suite."

"No, I'll come with you."

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon