Kabanata 25

43.7K 1.9K 1.1K
                                    

Kabanata 25

Ilang linggo ang lumipas at naging gano'n na madalas ang nangyayari. Sa umaga ay dadaan si Daxel para ihatid ako at sabay kaming pumapasok. Mukhang nasanay na rin sina Tiya na kasabay namin si Daxel kumain.

Simula noong napag-usapan naming maging honest sa isa't isa ay mas lalo kaming naging malapit. He would tell me all the things that's bothering him and we talked it out everytime he drives me home. Medyo nahihiya na nga ako na palaging ginagamit niya ang sasakyan ng kompanya. Tanungin ko man siya tungkol do'n, sinasabi niya namang ayos lang daw 'yon.

"Girl, wala man lang ba kayong balak i-level up ang skinship?" tanong ni Vio.

Nito lang ay nangamusta ako sa kanila at ngayon halos gabi-gabi na kaming nagvivideo call. Kinamusta ko sila at halos punuin nila ako ng tanong nang ikwento ko ang tungkol sa'min ni Daxel.

"Hanggang holding hands pa lang ba?" dagdag ni Raze.

Gabi iyon at nakahiga na ako sa kama habang kausap sila. Si Raze, nagkakape habang si Vio ay naglalagay ng face mask sa mukha.

Tumango ako. "Bago pa lang naman kami kaya sa tingin ko hindi naman kailangan madaliin ang mga gano'n."

Pinanliitan ako ng mata ni Vio. "Naku, dai! No'ng sinagot ko nga 'yong ex ko nagjugjugan kaagad kami no'ng gabi."

"At inaasahan mong magiging gano'n si Vera?" natatawang umiling si Raze habang umiinom ng kape. "Knowing them both, I'm sure they're both hesitating to do more."

"Nagkaboyfriend ka naman na before 'di ba? Naranasan mo na'ng mahalikan, ni minsan ba hindi mo naisip na gawin kay Daxel?"

Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi nila. Yes, I've kissed my previous boyfriends but I didn't initiate it. Siguro hindi gano'n katindi ang naramdaman ko sa halikan na 'yon. But just imagining it doing with Daxel, pakiramdam ko mahihimatay ako at hindi kakayanin ng puso ko.

"Hindi pa siguro kami handa sa mga gano'n." pagpapaliwanag ko.

"Ay kailan pa? Kapag nagka-uban na kayo at nanuyo na 'yang pechay mo?"

"Vio!" paninita ko ngunit humalakhak lang siya.

"Pakiramdam ko ay naghihintayan lang kayong dalawa. Natatakot mag-initiate dahil natatakot kung anong isipin ng isa." ani Vio.

"I'm sure Daxel is also taking time for you to adjust. Hindi niya rin sigurong gusto na biglain ka." Raze added.

Napaisip ako sa sinabi nila. Knowing Daxel, mukhang gano'n nga ang ginagawa niya. Pero hindi naman siya nag-i-initiate kaya hindi naman pumapasok sa utak ko ang tungkol do'n. O ako lang talaga ang napapaisip no'n sa aming dalawa?

Natigil ako nang biglang magtext si Daxel.

Daxel:

Already asleep?

Me:

Not yet. I'm talking to Vio and Raze.

"Oh sino 'yan? Si Daxel?" tanong ni Vio nang makitang mukhang may binabasa ako.

Tumango ako. "Tinatanong niya kung tulog na 'ko."

Halos masira ang eardrums ko nang biglang humiyaw si Vio at pinagpapalo pa ang unan na nasa tabi niya dahil sa kilig.

"Ayan na! Chance na 'yan! Malamig pa naman ngayon dahil malapit na tag-ulan. Painitin mo ang gabi niya!" humalakhak si Vio.

My brows furrowed. "Ha?"

Nakita kong mas lalong lumaki ang ngisi ni Vio, natatawa na lang si Raze habang umiiling.

"Send ka ng picture mo dali! Tapos sabihin mo "good night, sleep tight." nakita kong tinitigan ako ni Vio mula sa screen at mas lalong ngumisi. "Ayan! Tama 'yang suot mo!"

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon