Kabanata 34

44.4K 1.8K 573
                                    

Kabanata 34

"Bakit kailangan sa'kin? Bakit hindi sa iba?" reklamo ko.

Binalingan ako ng tingin ni Ate Rosie. "Iyong ibang may-ari kasi mga malalaking pamilya. Ikaw lang ang naninirahan ng mag-isa kaya ikaw sana ang pakikiusapan ko."

Napapikit ako nang mariin at nasapo ko ang noo ko. Napatingin ako kay Daxel na wala man lang sinasabi. Ginagala niya lang ang mata niya sa loob ng kwarto ko.

"At magkakilala naman pala kayo. Mas mabuti 'yon kesa ipasok ko siya sa kwarto na hindi niya kilala ang makakasama." nag-isip bahagya si Ate Rosie. "Sabagay si Clara sa kabila ay mag-isa rin baka p'wede ko siyang kausapin...o kaya si Paula."

Natigilan ako ng bahagya sa sinabi ni Ate Rosie. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan at nakaramdaman ng galit. Kung anu-anong senaryo ang pumasok sa utak ko. I don't know why the thought of Daxel living with some girl fumed me with anger.

"Kaso natatakot ako para kay pogi..." tinapik niya ang balikat ni Daxel. "Kilala mo pa naman ang dalawang 'yon. Baka kung ano gawin nila kay pogi kapag doon tumuloy."

Muling tumingin sa akin si Ate Rosie. "Pasensya ka na, Vera. Kung hindi ka payag, ayos lang, pakikiusapan ko 'yong mga 'yon. Pasensya na sa abala."

Nakita kong kinuha na ni Daxel ang mga bitbit niya kanina. Tinulungan naman siya ni Ate Rosie at aakmang lalabas na sila ng silid ko.

"Sandali..."

Huminga ako nang malalim. Tumigil sila sa paglalakad at nilingon ako.

I bit my lip. "Two weeks. Two weeks lang 'di ba?"

Sumilay ang ngiti sa labi ni Ate Rosie. "Oo, dalawang linggo lang."

Muli akong bumuntong hininga. "Sige, papayag ako kung dalawang linggo lang."

"Talaga?!" nilapitan ako ni Ate Rosie at masiglang hinawakan ang mga kamay ko. "Salamat talaga, Vera!"

Pagod na tumango ako. Muli nilang binalik ang gamit ni Daxel. Napatingin ako kay Daxel na wala pa ring sinasabi at nakatingin lang din sa'kin.

Pumayag ako dahil madalas naman akong wala dito dahil aalis ako ng umaga at uuwi ng gabi. Sa mga oras lang naman na 'yon ko siya makakasalamuha dahil magiging busy ako sa kompanya. Bahala siya kung gusto niyang manirahan dito basta wala kaming pakialamanan.

Iniwan kami ni Ate Rosie sa loob. Daxel began unpacking his things, nanatili akong nakatayo roon at pinagtaasan siya ng kilay.

"What's your deal? Why are you doing this?" tanong ko.

Tumigil siya sa pag-aayos. "I have no place to stay so I rented an apartment."

"Sinong niloloko mo? Sa dami ng p'wedeng rentahan dito pa talaga ang pinili mo? You can even book in a hotel, or even buy the whole damn building. Bakit kailangan dito pa talaga?"

"What do you mean? I can't afford those, I'm broke."

Mas lalo lang kumunot ang noo ko. Wow! The CEO of the company that supplies aircraft machinery all around the globe is fucking broke!

"Ginagago mo ba 'ko? Use your Velarde money and buy your own place to stay!"

"That's their money. I am earning mine and this is the only place I can afford for now."

"At bakit dito pa talaga sa akin? If I know it's just your scheme to make me agree to marry your brother. Is that it? You're that desperate to gain power by merging our companies?"

"What makes you think that I would want to marry off my girlfriend to my brother?" he hissed.

Girlfriend?! Pinagsasabi nito?!

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon