Kabanata 22

40.8K 1.7K 587
                                    

 Kabanata 22

"Ang tanga tanga mo! Sabi ng 'wag hayaan, e!"

Napabalikwas ako dahil sa ingay na narinig. I felt pain on my wrists and legs. Minulat ko ng konti ang aking mata at nakita kaagad ang lubid na nakatali sa aking paahan.

The floor was cold and wet, then I realized I was inside a bathroom. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Lucy na nanghihina at nakatulala. How long has she been in here? Three days? Ibig ba sabihin no'n she was abducted here? For what reason?

Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Napaayos siya ng upo at nakita kong tumulo ang luha sa mata niya. Her eyes were bloodshot, she looks so tired and weak. Natigil lamang iyon ng biglang bumukas ang pintuan. Then I saw Kael and a very familiar person.

I thought I was imagining it, but it was indeed...her.

"Gising ka na pala," her smile looks fake.

I didn't utter anything, I just looked at her. Nakita kong ngumisi siya ng makitang wala akong pinapakitang kahit anong reaksyon.

"Hindi ka man lang ba nagulat?" she laughed mockingly. "Kung hindi ka naman ba tatanga tanga at pumunta punta ka pa rito."

Bukod sa pagkakagapos ay nakabusal din ang bibig ko. Nakatingin lang ako sa kanya, naghahanap ng kasagutan.

"Sawang sawa na 'kong pakisamahan ka, Vera. Napakalandi mo. Wala kang ibang ginawa kung hindi landiin ang mga nagugustuhan ko. Palagi na lang nasa'yo ang atensyon."

So, it was that? And I thought she supported me but clearly, she doesn't. Similar to Lucy, it's because they like Daxel. Is that it? Did they go this far for that?

"Kung sana hindi ka na lang pumunta do'n. Kung sana hindi mo na lang sinubukang magustuhan si Daxel. Kaso papansin ka talaga, gustung-gusto mo laging ikaw ang bida." she smirked.

Lumapit si Kael sa kanya at yinakap ang bewang niya. He even kissed her neck, she smiled evilly while caressing Kael's face.

"Hindi ba gusto mo siya?" bumaling si Ulan kay Kael. "Matagal mo na siyang gustong tikman 'di ba?"

Kael licked his lower lip. "Oo naman, sa ganda niyang 'yan, matagal na akong nagtitimpi."

Natawa si Ulan. "Bakit hindi mo umpisahan sa babaeng 'to? Tutal siya rin naman ang nakiusap sa'yo 'di ba?"

Binaling ni Ulan ang kanyang tingin kay Lucy na tuloy pa rin sa pagluha.

"Sawa na ko riyan." Kael laughed.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. W-What? I looked at Lucy, she was crying hurtfully. Then I noticed all the wounds on her body, and the blood gushing on her legs. Kinilabutan at nanginig ako sa takot.

"Sabagay, wala rin naman masyadong karanasan 'yan. Hindi ka siguro nag-enjoy?" Ulan cupped his face.

"Mas magaling ka."

"Alam ko. Kaya nga hinding-hindi mo 'ko pinagsasawaan 'di ba? Kahit anong iutos ko ay susundin mo."

I bit my lip and felt tears forming in my eyes. Lucy glanced at me with her teary eyes. S-She was harassed...or is it worst? D-Did he violate her? Fuck!

Bumaling ulit sa akin si Ulan. "Bakit, Vera? Natatakot ka na? Dapat lang 'yan sa'yo, kung hindi ka lang sumapaw ay mapapasa'kin na siya. Kaya nga ginawa ko ang lahat para hindi na rin maki-epal 'tong isa."

Galit na tinignan ko siya. She just smiled devilishly.

"Pero alam mo 'yong nakakatawa ro'n? Sa sobrang desperada nitong isa na gantihan ka, inutusan niya pa si Kael na saktan at galawin ka para lang mapalayas ka sa bahay na 'yon at umalis dito."

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon