Kabanata 9

45.5K 2.1K 947
                                    

Kabanata 9

"Thank you for letting me sleep here."

Ngumiti si Mommy sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. I am now wearing my white blouse and pencil skirt, ready for my work. Naghihintay na rin ang sasakyan sa labas.

"It's not like you're a guest here. It's still your home." Mom said. "You can always visit us if you like."

"Yeah, two more years, Mom." I chuckled.

Nakita ko ang nakabusangot na mukha ni Dad sa likuran ni Mom. I was chuckling while walking towards him to give him an embrace.

"You know, you can just stay here, Astrid. You don't have to do this anymore. You're a Pontevera, you will be leading this company." Dad said.

I sighed. "That is why I'm doing this, Dad."

Lumapit si Mom at hinawakan ang magkabilang balikat ni Dad. Napabuntong hininga nalang si Dad. My brother went to me and hugged me.

"Take care of them, please. And also the company, while I'm gone." I whispered to him.

He nodded and gave me a small smile. "You don't have to worry, Ate. Take care of yourself."

I patted his head before bidding my goodbye to them.

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Iniwan ko ang mga gamit ko sa bahay at ang tanging dinala ko ay ang regalong natanggap ko kina Vio at Raze, pati ang wooden music box na 'to.

I didn't know where it came from or whoever gave it to me. The note made me think it was given by one of my suitors whom my family introduced to me. I appreciate the gift and I wanted to keep it.

"How's your party?" pambungad sa'kin ni Vio nang makarating ako sa opisina.

"Gano'n pa rin naman. Thank you nga pala sa mga regalo niyo. Sobrang nagustuhan ko!"

"Sus! Paniguradong walang wala 'yan sa mga natanggap mo do'n." nakangusong dagdag ni Vio.

"Uy hindi ah! Mas nagustuhan ko nga 'yong natanggap ko mula sa inyo, e!"

Medyo gumaan na ang workload namin dahil kakatapos lang ng isang event ng De Velar. Nang matapos ang office hours ay nagkandayayaan kami kumain sa labas bilang continuation ng birthday celebration ko. Para na rin makabawi ako sa kanila.

"Sa'n tayo?" tanong ni Raze nang makapasok kami sa loob ng kanyang sasakyan.

"Inuman! Inuman!" Vio continuously chanted.

"Kung mag-iinom, e 'di sa bar nalang?" natatawang tanong ko.

Ngumisi si Vio at tinapik si Raze. "Do'n sa bar na pinagpeperform-an ni Daxel. Tutal birthday naman ni Vera."

"Ano naman kung birthday ko?"

"E 'di mas matutuwa ka kapag sinama natin si Daxel!" pumalakpak pa si Vio at nagkantiyawan silang lahat sa'kin.

"Tingin niyo pa rin may gusto ako sa kanya? Magkaibigan lang kami at hindi ako interesado sa mga gano'n." pagpapaliwanag ko. "Atsaka nakakahiya kong idadamay natin siya, baka busy 'yong tao."

"Kung hindi busy, ayos lang?" Raze asked.

Nagkibit balikat ako at tumango.

Ayos lang naman kasi talaga. Itinuturing ko na rin naman siyang kaibigan. A friend that I wanted to protect because of his genuineness.

Nagsimula ng magdrive si Raze patungo sa bar. Hindi ko ba malaman sa kanila kung bakit nila pinapahirapan ang sarili nila kakahanap ng lugar kung saan magpeperform si Daxel. Halos puntahan tuloy namin ang magkakatabing bar sa Makati.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon