Kabanata 30

43.7K 1.7K 1.4K
                                    

Kabanata 30

Umalingawngaw ang sigaw ng lalaki kay Daxel. He just stood there still looking pissed. Agad na tumakbo ako papunta roon at hinarap ang lalaki na sa tingin ko ay ang boss nila.

"T-Teka lang po, Sir! Wala po siyang kasalanan!" pagpapaliwanag ko.

"Astrid..." madiin na sinabi ni Daxel para matigil ako sa ginagawa ko.

"He started the fight. Dahil sa kanya ay nasira ang iilang makinarya na dapat ay ipapadala sa sunod na Linggo. Did you know how much these cost?! Isang palya lang ay malaking dagok na sa kompanya!"

"Hindi po siya ang nagsimula. Pinagtanggol niya lang po ako dahil binastos ako ng mga lalaki."

"Binastos ka? Hinawakan ka ba? Nilapitan ka?" sunud-sunod na tanong niya.

"N-No, they catcalled me—"

The guy scoffed. "Hindi naman pala, e! Anong kabastus-bastos do'n? Wala naman pa lang ginawa!"

Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Gusto ko sanang sagutin kaso ayokong matanggal sa trabaho si Daxel.

"You fucking trash!" bigla siyang sinuntok ni Daxel sa mukha.

Napatumba ang lalaki sa sahig at nakita kong dumugo ang labi at ilong nito. Aambahan sana siya ni Daxel ng isa pang suntok kaso pinigilan ko kaagad iyon.

"D-Daxel, ano ba! Tama na!" pagpapatigil ko.

Nakita ko ang panggigigil ni Daxel ngunit nanatili akong nakahawak sa braso niya. Huminga siya ng malalim ngunit nanatiling madilim ang ekspresyon ng mukha niya.

"You're fucking fired, you hear me?! Sisiguraduhin kong hindi ka rin makakapag-apply sa ibang kompanya!" the guy shouted.

Mukhang wala na talagang pag-asa para mapakiusapan ang lalaki na 'wag tanggalan ng trabaho si Daxel. He punched the guy's face! At mukhang wala pang balak humingi ng tawad si Daxel.

"What's the commotion all about?"

President Montero entered the scene. Napapikit ako nang mariin at nawalan na ng pag-asa para isaayos ang sitwasyong 'to. Dumako ang mata ni Engineer Montero sa amin at sa mga nasirang makinarya sa gilid.

"President..." gulat na tumayo 'yong lalaking sinuntok ni Daxel kanina.

"Care to explain what happened?" Engineer Montero sounded formal.

"Nagsimula po ng gulo ang tauhan ko. Pero 'wag po kayong mag-alala dahil ipapatanggal ko kaagad siya." the man explained.

"Who?" Engineer Montero asked

Tinuro ng lalaki si Daxel na mukhang galit pa rin. Hindi ko ba alam dito kay Daxel kung bakit hindi pa kumakalma kahit nasa harap na mismo ang Presidente ng Avitech Link.

"P-Pasensya na po sa nasira, sisiguraduhin kong pagbabayarin ko ang batang 'yan." dagdag pa ng lalaki.

Bumaling sa akin ng tingin si Engineer Montero kaya kinabahan ako. He looks like he is analyzing the situation.

"Anong nangyari?" he asked me.

"U-Uhm..." nanginig ang boses ko. "P-Pinagtanggol lang po ako ni Daxel dahil binastos po ako ng mga lalaki..."

Nanliit ang boses ko na para bang nahihiya sa presensya niya.

"Sinungaling! Hindi ka naman hinawakan at ginalaw ng mga tauhan ko. Ang problema sa'yo miss inisip mo kaagad na binastos ka kahit nagsalita lang naman sila. Pasalamat ka nga na ginano'n ka lang."

The audacity of this motherfucker!

Naramdaman ko ang panggigigil ni Daxel matapos marinig 'yon. Galit rin ako pero hindi ko na ilintana 'yon dahil nag-aalala akong aambahan ulit siya ng suntok ni Daxel.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon