Kabanata 8

47K 2.5K 770
                                    

Kabanata 8

"Kanina ka pa tulala, Vera. Ayos ka lang?"

Bumaling sa'kin ng tingin si Raze nang makapasok na kami sa loob ng van. Tapos na ang trip kaya naman babalik na kami sa Manila.

"Bangag din si Vio. Anong nangyari sa'yo?" dagdag ni Raze.

Nakita kong nagulantang si Vio at agad na tumawa. Halatang pilit ang tawang iyon.

"W-Wala naman." sagot niya.

Hindi pa rin nawala sa isip ko ang sinabi ni Daxel. Pero mas lalo akong nagtaka kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Nobody calls me that aside from my family. My friends and acquaintance calls me Vera, dahil iyon lagi ang pagpapakilala ko sa sarili ko.

When I started living alone, I wanted them to identify me as Vera because that is how I wanted them to know me. The Vera who works her ass off to become independent without using her family name. Not the Ishina Astrid who was raised in a wealthy family and is known as an heiress of huge companies.

Dalawang linggo ang lumipas at mas lalo kaming naging abala sa trabaho. May mga bagong lungsad ulit na produkto ang De Velar kaya naman sobrang busy ng department namin.

"Maglunch muna tayo. Mababaliw tayo kapag inubos natin lakas natin dito." ani Vio na mukhang stress na sa sobra naming ginagawa.

Tumango si Raze. "I haven't slept properly. Hindi na gumagana utak ko."

Sabay sabay kaming bumaba para maglunchbreak at makapagpahinga. Bumili kaagad kami ng pagkain at umupo sa bakanteng table para kumain.

"Parang lumipas lang 'yong outing. Sana mag-offer ulit sila, stress na stress na 'ko." halos mapahiga si Vio sa table namin.

"Galingan natin lalo, baka sakaling may offer ulit na gano'n." ngumiti ako para kahit papa'no ay gumaan ang loob nila.

"Huling release na rin naman 'to for this month. Maraming Holidays sa end ng October hanggang November. May time tayo para makapagpahinga." sabi ni Raze.

Kumain nalang ulit kami para makabalik kaagad kami sa trabaho namin. Hindi na rin kami masyadong nakakapagbonding. Iyong usual Friday night outs namin ay hindi na matuloy tuloy dahil busy kami sa kanya-kanya naming trabaho.

After office hours, pagkalabas ko ng building ay nakita ko kaagad ang pamilyar na itim na sasakyan. Kahit malayo ay alam ko na kaagad kung sino ang nasa loob no'n.

"Mauna na kayo." bilin ko kina Raze at Vio.

Napatingin sila sa sasakyan at mukhang naintindihan kaagad nila ang sitwasyon.

"Hindi kaya't papabalikin ka na?" ani Vio habang nakatingin sa'kin.

Kumunot ang noo ko at umiling. "Hindi ako papayag. May dalawang taon pa 'ko."

"Kwentuhan mo nalang kami kung anong nangyari." tinapik ni Raze ang balikat ko. "Una na kami, ingat ka."

"Ingat rin kayo."

Umalis na silang dalawa habang ako ay naglakad na palapit sa itim na sasakyan. When I went near it, I immediately crossed my arms while glaring at the tinted window of the car.

"You surely missed me, huh." humalakhak ang kapatid ko na si Idris nang binaba ang bintana.

"What are you doing here?"

Lumabas siya mula sa sasakyan.

He grew taller again. His hazelnut brown hair is properly stylized. He's wearing his school uniform, a white collared polo shirt, black necktie, and black slacks. His sharp eyes, small pointed nose, and thin curvy lips were some of our similar features.

Against the Barrier (Magnates Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon