Chapter 2

273 23 0
                                    



Ayisha's POV


Nakakainis talaga ang Lance na iyon. Ganon ba talaga ka big deal sa kanya ang pag-upo ko? Gold ba iyong upuan niya?



Nakakasira talaga ng beauty ko ang araw na ito at dahil iyon sa lalaking mukhang bisugo! Kung pwede lang na lumipat ng ibang section ako talaga mangunguna sa pila ng Registar Office kaso bawal na lumipat kaya buong school year ako magtitiis.




Pumunta ako sa malawak na field na katapat ng first wing ng building at basta na lang umupo sa damuhan.



Okay lang naman na umupo dito dahil malinis naman at tsaka marami rin namang mga estudyante ang nakaupo kaya gumaya na rin ako.




Pero nakakainis talaga ang lalaking yun akala mo kung sinong gwapo. Well, inaamin kong gwapo talaga sya pero nakakaloka naman ang ugaling meron siya.




Agad akong napasimangot ng dumaan siya sa field kasama ang mga kaibigan niya na busy magtawanan at mag-kwentuhan habang siya ay parang patay na bata.



Napataray na laman ako dahil baka mamaya tarayan pa nya ako. Mabuti na iyong unahan ko na siya.



"Ayita! Mabuti naman at natagpuan ka na namin. Kanina ka pa namin hinahanap nandito lang pala ang lungga mo," bungad sa akin ni Gil at tinabihan ako sa pag-upo.



Ang bunganga talaga ng babaeng ito parang busina, well ako rin naman pero magandang busina nga lang.



"Ayita kumain ka na ba? Kumain na kasi kaming tatlo eh," sabi ni Eirin. Ay ang galing talaga nitong mga kaibigan ko, hindi man lang inintay.



"Wow, hindi nyo man lang akong inintay tatlo. Pero di bale wala akong ganang kumain," sabi ko at pumangalumbaba at katulad namin ni Gil ay sinabayan na rin nila kami sa pag-upo sa damuhan.




"Wala ka ata sa mood. Kanina lang ay masaya ka pero ngayon parang biyernes santo 'yang mukha mo. Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Gil at napabuntong hininga naman ako.



"Sino ba namang hindi masisira ang araw kung tawagin kang exotic girl," saad ko.



"Ano bang sinasabi mo Ayita hindi ka namin magets. Anong exotic girl?" Tanong ni Aria na nakakunot ang kaniyang noo habang sila Gil at Eirin naman ay salubong ang kilay.

The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon