Chapter 6

210 23 0
                                    



Ayisha's POV



"Ayisha, si Lance na lang ang available na ka-partner mo kaya kung ako sayo tanggapin mo na," pangungulit sa akin ni Andrei.



Bakit ba ang kulit ng lalaking ito? Kanina ko pa sinasabi sa kaniya na ayaw ko ngang kasama si Lance sa evaluation.




"Andrei, sinabi ko naman na sayo na ayoko sa lalaking iyon. Kung gusto mo tayo na lang ang partner tutal mapilit ka naman," saad ko sa kanya.



"Meron na akong ka-partner sa evaluation, Ayisha. Si Lance na lang ang wala kaya please, Ayisha tanggapin mo na ang alok ko sayo," sabi nya sa akin at nag-puppy eyes pa sa aking harapan.



Hindi ko ipagkakailang gwapo rin si Andrei. Makinis at maputi ang kaniyang balat at bagay lamang iyon sa blonde niyang buhok, matangos rin ang kaniyang ilong at maganda ang hubog ng katawan. Kaso hindi ko siya type kaya hindi epektibo ang pag-puppy eyes niya sa akin.



Actually lahat naman silang apat ay gwapo pero isa lang ang nagmumukhang pangit sa kanila at dahil iyon sa pangit nitong ugali.



"Ang kulit mo naman, Andrei. Sabi ng ayokong maging ka-partner 'yang kaibigan mo. Ilang beses ko bang uulitin ang salitang ayoko?" Saad ko sa kanya.



Bumuntong hininga muna siya bago umalis sa tabi ko.



Bagsak ang dalawa niyang balikat ng bumalik siya sa kanyang upuan at agad naman akong nakaramdam ng konsensya sa ginawa ko. Ako na nga itong tinutulungan ako pa itong namimili.



'Eh bakit ba maganda ako eh.'



Tumayo ako sa aking upuan at marahang lumapit kay Andrei na busy na sa kanyang cellphone.



"O sige na nga, payag na ako," saad ko sa kaniya at nakita ko naman ang pagliwanag ng kaniyang mukha.



"Talaga?" Pagkumpirma niya sa aking sinabi.



"Hindi. Pumayag na nga ako sa sinasabi mo kailangan ko pa bang ulitin," saad ko sa kaniya at inirapan sya.



"Siyempre gusto ko lang makasiguro na tama yung pagkakarinig ko. Oh paano good luck sa inyo bukas," sabi ni Andrei na ikinagulat ko.

The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon