Ayisha's POV
Natapos ang tutorial lesson namin ni Lance at pakiramdam ko ay kailangan kong magpunta sa hospital dahil pakiramdam ko naubos ang dugo sa aking katawan.
Paano ba naman kasi pure English ang pagsasalita ni Lance tapos dagdagan niya pa ng pagtuturo ng Math. Pakiramdam ko dalawang subject na ang itinuro niya.
"Here, borrow my book. Make sure you study and answer some exercises or problems here. Prepare yourself tomorrow because I will ask you some questions," sabi ni Lance at sumakay na sa kaniyang kotse at pinaharurot 'to.
Naiwan akong nakatayo doon habang hawak ang isang makapal na Math textbook.
"Ma'am Ayisha, sumakay na po tayo sa kotse," saad ni kuyang driver at tamad naman akong sumunod sa kaniya.
Ngayon lang sumagi sa aking isipan ang mga kaibigan kong alagad ni mother earth. Na saan na kaya sila Eirin, Gil at Aira?
Nakakamiss rin ang tatlong 'yon kaso busy kaming lahat mag-aral para sa evaluation kaya bihira na lamang kaming magkita.
Nang makarating ako sa bahay ay sakto namang nakita ko si Ate Talia na pababa sa hagdanan at agad akong tinaasan ng kilay.
"Hi ate Talia," bati ko sa kaniya pero hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lamang sa pagbaba ng hagdanan.
"Sa pagkakaalam ko seven in the evening ang tapos ng pagtuturo bakit umabot ng eight o'clock?" Tanong niya sa akin at napakagat naman ako sa aking labi.
Paanong hindi ako aabutin ng alas-otso? Ito kasing si giant beast ay talaga namang nakakaubos na ng pasensya.
Natapos na ni Lance ituro ang central tendencies sa akin pero lahat ng iyon ay lumabas lamang sa kabila kong tenga.
"Answer this problem," saad ni Lance sabay bigay sa akin ng papel at napahawak na lamang ako sa aking ulo ng makita ko ang mga problem na sasagutan ko.
Bakit naman ganito kadami? Feeling ko dumudugo na ang utak ko at pumuputok na ang mga brain cells ko.
"Q3, D8, and P7 are the equivalents that need to be found. I've already talked about the formula. You can find the answers by using a scientific calculator," saad niya sabay bigay sa akin ng calculator.
Napapangiwi na lamang akong tinanggap ito at nagsimula ng pindutin.
Meron si Eirin na ganito at meron namang itinuro sa akin sila Gil at Aria na pwede mong ma-type ang pangalan mo dito.
Sinimulan kong kalikutin ang calculator at napangiti naman ako sa ginawa ko.
AY1E. 'Yan lang naman ang nakasulat sa calculator. Wala kasing S at T kaya hindi ko maisusulat ang palayaw ko pero in fairness napapasaya ako ng calculator na ito.
"What are you doing?" Tanong sa akin ni Lance at ipinakita ko naman sa kaniya ang ginagawa ko.
"Nagta-type tingnan mo BEBE o diba ang galing. Iba na talaga ang nagagawa ng teknolohiya sa buhay ng tao kahit calculator nag-eevolve na," sabi ko at nakita ko naman ang inis sa mukha nya at napahilamos na lamang.
"You will not go home! Unless you've finished answering this activity!" Saad niya na lalong nagpabagsak ng aking dalawang balikat.
Ang hirap naman kasi nito!
At 'yon ang dahilan kung bakit late na akong nakauwi dahil talagang pinahirapan ako ng todo ni Lance.
Bakit ba kasi sobrang talino ng lalaking iyon at pati ako ay gusto rin niya maging matalino.
Ano ba naman kasing utak meron ako at hindi ako makapag-focus at maka cope-up man lang ng mga lessons?
Agad naman akong bumalik sa katinuan ng muling magsalita si Ate Talia.
"At ano naman 'yang dala mo?" Tanong sa akin ni Ate Talia at napatingin naman ako sa hawak kong libro.
Oo nga pala pinahiram nga pala sa akin 'to ni Lance, sagutan ko daw ang mga problems dito. Akala niya ba madali lang yung mga tanong dito?
"Pinahiram sa akin ni giant beast ay ano pala ni Lance. Aralin ko daw sa bahay tapos sagutan," sabi ko at napataray naman sa akin si Ate Talia.
"Kakaiba talaga si Lance. Pagdating talaga sa pag-aaral focus talaga siya," saad niya at pinasadahan ako ng tingin.
"Ayisha sana naman buklatin mo ang libro na 'yan, nakakahiya naman kay Lance kung hindi mo aayusin ang pag-aaral mo. He even gave you a book para pag-aralan hindi ko ito sinasabi sayo para konsensyahin ka. Sinasabi ko ito sayo para hindi masayang ang paghihirap ni Lance. Dahil kung hindi mo ka-partner si Lance, ako ang nasa posisyon mo ngayon," saad ni ate at mabilis akong tinalikuran.
Kaya ba nagagalit sa akin si ate dahil naging ka-partner ko si Lance?
Pwede kong kausapin si Lance na kungb pwede ay na hindi na ako ang ka-partner niya. O hindi kaya kausapin ko si ate Talia na magpalit kami ng partner.
Ano ba naman 'to?
![](https://img.wattpad.com/cover/227330505-288-k386776.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #1 Her soul belongs to the monarchy, and she is a princess. *** Ayisha Margaux Lopez, better known as Ayita, is a kind young lady that lives life to the fullest. Her parents run a business, and she will soon be in charge of it. They...