Chapter 4

225 25 0
                                    


Ayisha's POV



Maagap akong nagising para magawa ang aking morning ritual pagkatapos ay mabilis akong lumabas ng bahay at sumakay na sa kotse. Hindi na ako nagpaalam pa kay mommy at dady dahil male-late na ako.



Paano ba naman kasi. Nahirapan ako makatulog kagabi dahil pinipilit ko talagang mag-aral kaso wala talaga akong natututunan at kahit isa walang pumasok sa utak ko kaya ito late ako ngayon.



Dilang mother earth naman. Paano ako papasa nito kung pagbabasa pa lang ay wala ng pumapasok sa utak ko. Mukhang magkakatotoo ngang ibabagsak ko na lang ang kompanya namin.



Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa Royal Marchand University na lutang at sabaw. Ang hirap naman kasing mag-aral dito, lahat English ang salia. Hindi naman mataas ang IQ ko katulad ng ibang estudyante dito.




Nakarating na ako sa aking classroom at hindi ko na rin inintay ang mga kaibigan ko dahil panigurado ay nauna na sila dito at sabaw na rin ako. Naupo ako sa aking upuan at pumangalumbaba.




Ilang minuto pa ay dumating na rin ang apat na lalaki at kasama na doon ang bisugo. Bakit pa pumasok itong lalaking ito? Napairap na lamang ako at umayos ng upo.




Mga ilang minuto pa ay pumasok na ang si Sir Philip sa aming classroom kaya nagsiayos na sa pagkakaupo ang mga kaklase ko.




"Good morning, everyone. I have an announcement. Next month, you will have an evaluation test, this- Yes, Miss Lopez?"




Hindi ko na pinatapos si Sir Philip sa pagsasalita dahil agad kong itinaas ang aking kanang kamay para makuha ang kaniyang atensyon.




"Sir Philip, excuse me lang po pero pwede po ba tagalugin niyo nalang kasi hindi ko talaga maintindihan. Good morning at everyone lang ata ang naintindihan ko sa sinabi nyo," saad ko.




Dilang mother earth sumasakit ang fallopian tube ko sa English language na iyan. Bakit ba dito ako ipinasok ni mommy at daddy? Alam naman nilang mahina ang utak ko pagdating sa English.




"Ms. Lopez, I hope you know that this school is English-speaking only and you dont-"



"I know, I know, I know, sir. Pero dilang mother earth naman, sir. Paano naman yung mga estudyante na hindi rin nakakaintindi ng english. Katulad nila Gil, Aria at Eirin hindi sila nakakaintindi ng English. Kaya please, Sir Philip mag-tagalog ka naman kahit ngayon lang. Baka gusto mo si Heneral Luna pa ang magpatagalog sayo," saad ko.




"Enough with this commotion. You can speak Tagalog only this time," saad ni Lance at nakita ko naman na nag bow ang adviser namin sa kanya.




Ano yun? Bakit yumuyuko sila kay Lance? Ganoon rin ang ginawa ni Miss Eliza kahapon. Weird nitong lalaking ito.




"So back to the topic. Ang evaluation test ay magaganap next month. Ang evaluation test na ito ay para sa mga estudyante na gustong makakuha ng scholarship. Pero kaylangan maghanap kayo ng ka-partner na magtuturo sa inyo at matuturuan, so tulungan kayo at bibigyan kayo ng school ng dalawang oras para makapagaral," saad ni Sir Philip at marahan naman akong napapatango.




So may evaluation test at para iyon sa mga estudyante na gustong makakuha ng scholarship. Kung kukuha ako ng evaluation test mababawasan na ang babayaran namin sa school na ito.




"Next week pwede na kayo maghanap ng ka-partner nyo. Understood?" Sabi ni Sir Philip at tumingin pa sa akin kaya nag okay sign naman ako sa kanya. Tropa na kami ni Sir Philip ngayon.




Pero ang tanong sino naman ang ka-partner ko? Pwede rin mga kaibigan ko kaso wag na pala dahil panigurado wala kaming matututunan dahil puro daldalan lang kami at kung ano-ano pang kaharutan.



Simula ng magturo at matapos si Sir Philip ay wala pa rin ako sa aking sarili, sabaw pa rin ang utak ko. Iniisip ko kasi kung sino ang pwedeng maging ka-partner ko sa evaluation test since sila Aria, Eirin at Gil lang ang kilala ko.



"Hello Miss," napaangat naman ako ng tingin at nakita ko doon ang lalaking blonde ang buhok na nakangiti sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.



"Pwede ba kitang makausap?" Tanong niya.



"Kinakausap mo na ako," saad ko at napakamot naman siya sa kaniyang ulo. May kuto ba siya?



"Ako nga pala si Adrian. Gusto ka sana maging ka-partner ni Lance sa evaluation exam," sabi nya na nagpa-angat sa aking kilay. Anong sabi niya?




Ano naman kayang masamang hangin ang nasinghot ng lalaking yun at gusto ako maka-partner sa evaluation test?




"Alam mo kapag si Lance ang naka-partner mo may malaking chance na mapunta sa inyo ang scholarship dahil mula Elementary hanggang High School, honor student 'yang si Lance," sabi ni Adrian. O edi sya na, sabog confetti.




Napatingin naman ako kay Lance at tinaasan na naman nya ako ng kanyang kilay. Kung ganito ang magiging ka-partner ko sa evaluation test baka mainis lang ako at masira ang ganda ko sa kanya.




"Ayoko sa bisugo," saad ko at kaita ko ang pagkagulat sa mukha ni Adrian ng sabihin ko iyon.




"Hanep, kakaiba ka talaga. Ikaw lang ang malakas ang loob na kalabanin si Lance. Amazona ka talaga," sabi nya na ikinakunot ng noo ko.




"Anong sabi mo? Amazona?" Saad ko pero umiling lang siya sa akin.




"Hehe, wala yun. So ano payag ka ba na si Lance ang partner mo? Sayang naman ang scholarship kung hindi mo makukuha," saad niya.




Hmp, kahit pa sobrang talino niyan ni Lance hindi pa rin maaalis sa left and right ventricle ko na nakakainis sya at masama ang ugali niya.




"Hindi ako payag. Maghahanap na lang ako ng mas matalino pa sa kanya," sabi ko at inirapan si Lance. Akala niya manghihinyang ako ah.




Pero ang tanong may mahahanap kaya ako?

The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon