Chapter 19

187 21 0
                                    



Ayisha's POV



Nasa kotse ako ngayon ni Lance para ihatid ako sa bahay. Tahimik lang ang biyahe, ni-isa walang nagsasalita at tanging aircon lamang ang naririnig ko.



Everytime na nasa biyahe ako madaldal ako lagi akong nagsasalita o nagkukwento ng kung ano-ano para hindi ako ma-bored kaso parang nawala ata ang kadaldalan ko.



"Prince Lance, ipagpaumanhin niyo po ang aking sasabihin pero ipinapatanong po ng inyong lola kung saan niyo po gustong ganapin ang inyong kaarawan?" Saad ng driver ni Lance.



Sa wakas may nagsalita na rin. Ang lalim naman ng Tagalog na 'yon. Nakakaintindi si Lance ng Tagalog pero ang problema lang sa kaniya ay hindi niya kaya 'tong bigkasin. Hirap na hirap siya sa pagsasalita.



Sa bagay sa ibang planeta nga pala 'to lumaki.



"I want to celebrate my birthday in an opulent hotel," saad ni Lance. Napatingin ako sa kaniya pero prente lamang siyang naka-upo.



Grabe sa hotel talaga? Birthday celebration lang 'yon pero sa isang hotel niya ipagdidiwang. Imibitado kaya ako? Malamang hindi, sino ba naman ako para imbitahan lalo na at lagi akong tinatarayan ng lalaking.



"Sa isang opulent hotel? Grabe ka giant beast," natatawang saad ko at nakita ko naman ang pagkabigla ng driver ng tawagin ko si Lance sa ibang pangalan. Weird.



"It's my choice, exotic girl," saad niya at inirapan ako. Ayan na naman siya sa pagtawag sa akin ng exotic girl, hahambalusin ko na 'to ng lalaking 'to eh. Napaka-bipolar.



"Matanong lang kita. Imbitado ba ako sa birthday mo?" Tanong ko sa kaniya pero hindi niya na muli akong pinansin.



Napakasungit talaga ng lalaking ito kawawa ang magiging girlfriend niya. Kaso naalala ko na babaero nga pala ang lalaking 'to kaya hindi siya magkakaroon ng permanent girlfriend, ever!



Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay kaya agad akong lumabas ng kotse at nagpasalamat sa kanilang paghatid.



Papasok na sana ako sa loob ng gate ng tawagin ako ni Lance at nakita ko doon na nakababa ang salamin ng kaniyang kotse.



"Wait for my invitation card," saad niya at itinaas na ang salamin ng kotse at umandar na ang kotse papalayo sa harapan ko.

The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon