Ayisha's POV
Matapos ang mahabang biyahe ay nakarating na kami sa school ng matiwasay. Hindi ako makababa dahil lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa kotse ni Lance.
Lumabas si Jensen ng kotse at pinagbuksan kami ng pintuan. Naunang lumabas si Lance at maya-maya pa ay sumunod na ako sa kaniya at nakita ko ang reaksyon ng mga estudyante.
"Siya na ba ang ka-partner ni Lance sa contest?"
"She's not even pretty ako ang nababagay kay Lance!"
"She's not totally qualified for that contest."
Edi sa inyo na si Lance! Wala naman akong paki-elam diyan sa lalaking iyan. Ang sungit-sungit tapos lagi akong tinatarayan at hindi ko naman gustong sumali sa contest na 'yan.
Tiningnan ko silang tatlo at binigyan sila ng matalim na tingin. Anong karapatan nilang sabihan ako na hindi ako maganda? Sila ang hindi maganda.
Maya-maya pa ay nakita ko na sila Harley, Andrei at Theo papalapit sa amin pero nagulat ako ng makita ko si ate Talia at doon ay nakaramdam ako ng matinding kaba.
Shocks! Hindi ako umuwi sa condo, magdamag akong wala sa condominium namin ni ate Talia at for sure grabe ang galit ni ate Talia sa akin. Lalo na sila mommy at daddy hindi nila alam. Naku po.
"Whoa Lance, what is this? You brought your limousine? Anong nakain mo?" Bungad ni Andrei ng makalapit sa pwesto namin.
Muli akong napatingin kay ate Talia na nanatili pa rin nakatingin sa akin at sunod ko namang tiningnan si Harley na mariing nakatingin sa akin kaya naman umiwas na lamang ako ng tingin.
"Yeah, I brought my limousine. It's been awhile since I used it. And stop with the nonsense questions. Let's go," saad niya at nauna ng maglakad sa amin.
Ilang minuto pa akong nakatayo hanggang sa sumunod na rin ako sa paglalakad. Napapitlag ako ng akbayan ako nila Theo at ni Andrei.
Ano na naman kaya ang problema ng dalawang ito? Simula ng maging close kami ay lagi na nila akong kinukulit.
"Anong nakain ni Lance at dinala nya ang limousine nya?" Tanong sa akin ni Andrei. Kanina pa itong lalaking ito hindi ko rin naman alam kung bakit limousine ang dinala ni Lance.
BINABASA MO ANG
The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]
RomantizmTHRONE SERIES #1 Her soul belongs to the monarchy, and she is a princess. *** Ayisha Margaux Lopez, better known as Ayita, is a kind young lady that lives life to the fullest. Her parents run a business, and she will soon be in charge of it. They...