Ayisha's POV
"Maiwan ko muna kayong dalawa at titingnan ko lamang ang kusina kung may naihanda ng pagkain para sa hapunan," saad ni lola Eliza at iniwan kami ni Lance sa garden.
Nanatili akong nakaupo sa aking upuan habang siklop ang baso ng tubi habang si Lance naman ay nakatayo sa aking gilid. Ano pa ba ang gagawin ko dito sa bahay nila?
Gusto ko ng umuwi kaso hindi ko naman alam papunta sa condominium namin ni ate Talia and worst hindi ko rin alam papalabas sa village nila Lance. Baka maligaw lang ako at hindi na makauwi ng tuluyan.
"Talaga bang hindi mo ako maihahatid?" Tanong ko habang ang aking tingin ay nasa baso.
"I'm really tired. I can't drive you to your house," saad niya at naupo sa upuan kung saan na-upo si lola Eliza.
"Kung ganoon, saan ako matutulog? Wala akong mga damit, wala akong pampalit lalo na at may dalaw ako ngayon," saad ko at narinig ko naman ang pag-buntong hininga niya.
"I called Jensen to get you some supplies, and you'll be sleeping here," saad ni Lance na ikinagulat ko.
"Seryoso ka? Dito mo ako patutulugin? Sa garden na 'to? Paano kung kagatin ako ng lamok? Paano kung mamantal ako? Kung ganito rin naman pala ipahatid mo na lang ako kay kuya Jensen," saad ko at humalukipkip.
"Are you really that stupid? I didn't say that you would sleep in the garden."
"Kakasabi mo lang na dito mo ako patutulugin ako pa ang gagawin mong mali."
"You've got it backwards, exotic girl. Don't make it literal. You will sleep in one of the opulent guest rooms inside the house, okay?" Saad niya at muli na naman akong inirapan at napasimangot na lamang ako.
Ilang minuto pa kaming nakaupo sa labas ng garden hanggang sa tinawag na kaming dalawa ng isa sa mga katulong nila sa bahay. Ngunit nanatili akong nakaupo.
"What are you waiting for? Come on, get up," saad niya habang nakapameywang sa aking harapan at muli ko na namang naramdaman ang pananakit ng aking puson.
"Mauna kana... susunod na lang ako," saad ko at napakagat sa aking labi habang sapo ang aking puson.
Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo kaya naman mabilis kong inalis ang tingin ko sa kaniya at uminom na lamang ng tubig.
BINABASA MO ANG
The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #1 Her soul belongs to the monarchy, and she is a princess. *** Ayisha Margaux Lopez, better known as Ayita, is a kind young lady that lives life to the fullest. Her parents run a business, and she will soon be in charge of it. They...