Ayisha's POV
Ilang oras na lang at mag-uumpisa na ang tutorial lesson. Ang mga kaklase ko ay nag-uumpisa ng basahin ang kanilang libro.
Habang ako naman ay naka-upo pa rin sa aking upuan at nagdadasal ng taimtim. Ipagpapasa Diyos ko na lang ang lahat ng 'to.
Napaangat ang aking tingin ng tumayo si Lance sa harapan at agad naman niyang nakuha ang atensyon ng aming ibang kaklase. Ano na naman kaya ang gagawin ng isang ito?
"All of you leave this classroom, except you," saad ni Lance at itinuro ako. Ano na naman bang kalokohan ito, Lance?
Maya-maya pa ay tumayo na ang mga kaklase ko maging ang mga kaibigan niya at lumabas na ng classroom hanggang kami na lang ni Lance ang naiwan.
May mga ilang estudyante ang sumisilip sa classroom namin habang ang isa namang ito ay nanatiling nakatayo sa harapan at nakatingin sa akin.
"Hoy giant beast, ano na naman bang kalokohan ito? Bakit mo sila pinalabas?" Tanong ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin at humalukipkip sa aking harapan.
"Before we start the lesson, make sure that you understand and memorize it," saad niya sa akin.
Ang sungit naman ng lalaking ito. Paano ako gaganahan mag-aral kung ganito ang magtuturo sa akin na pakiramdam ko isang mali lang ay may matinding parusang kapalit.
"Ok fine, ang sungit ah," sabi ko sa kaniya at inirapan ako kaya naman inirapan ko rin siya. Kainis.
Ilang minuto pa ay narinig na namin ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang pagtuturo.
Unang kinuha ni Lance na libro ay ang statistics at pasimple na lamang akong napamura.
Alam kong mali ang mag-mura pero. Tang ina naman hindi ko ata kakayanin ito mamatay agad ako ng maaga. Jusko bakit kaylangan pa ng statistics sa buhay ko?
Nagulat ako ng magsuot siya ng eyeglass at pagkatapos ay umupo na sa katabi kong upuan.
BINABASA MO ANG
The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #1 Her soul belongs to the monarchy, and she is a princess. *** Ayisha Margaux Lopez, better known as Ayita, is a kind young lady that lives life to the fullest. Her parents run a business, and she will soon be in charge of it. They...