Chapter 7

204 21 0
                                    



Ayisha's POV



"Are you kidding me? Beauty and the beast?" Sabi nya habang nag-iigting ang kaniyang mga panga.



Overacting naman 'tong isang 'to. Hindi nya ba alam ang disney movie na yan? Kung hindi niya alam 'yan, pwes kaylangan niyang panoorin yun dahil paborito kong palabas yun.



"Hindi ako nagbibiro, yung ang magiging title ng kontrata. Beauty and the beast. Ikaw yung beast alangan naman ikaw ang beauty syempre ako yun," sabi ko sabay kain ng pizza. Grabe ang sarap pala dito pero mas masarap ang kinakain namin ng mga kaibigan ko tuwing uwian.



"No, I don't like that kind of title. Change it," saad niya at napangiwi na lamang ako sa inis. Napaka-arte naman nitong lalaking ito.



"Okay sige, palitan natin. Beauty and the giant beast," saad ko at mas lalo pa nag-igting ang kaniyang panga nanliliit ang kaniyang mata.



"Wag ka na ngang maarte! Buti nga pinaganda ko pa yung sayo," saad ko sa kanya at napahilamos na lamang siya sa kaniyang mukha at pagkatapos ay pinalitan na rin ang title.



"So, let's get back to the point. Take it seriously because tomorrow is the first instructional class. For the tutorial lesson, you have one hour, and for teaching me some Tagalog vocabulary, you have the same amount of time," saad nya na wala naman akong naintindihan na kahit ano.



Mukhang delikado ang buhay ko sa lalaking ito. Talagang mauubusan ako ng dugo sa English niya tapos siya pa ang partner ko.



"Oo na, oo na," walang gana kong saad sa kanya at nagpatuloy na lamang sa pagkain.



"Pero saglit lang, syempre hindi libre ang pagtuturo ko ng Tagalog language," saad ko sa kaniya at bigla na lamang nagsalubong ang kilay niya.



"Are you insane?" Saad ni Lance pero inirapan ko lamang siya at nagpatuloy na sa pagsasalita.



"Okay, sige, wag na lang nating gamitin yung isang oras sa pagtuturo ng Tagalog language," saad ko at napahawak naman siya sa kaniyang buhok.



"Okay, fine! I really hate Andrei suggestion," bulong niya sa huling salita ngunit narinig ko naman. So pinilit rin pala siya ni Andrei? Ang lakas talaga maka-konsenysa ng lalaking iyon.



"Syempre simple lang naman ang gusto ko. Kaylangan kada-buwan may supply akong isang sakong bigas at mga de lata," saad ko sabay subo ng pasta.

The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon