Chapter 13

186 22 0
                                    


Ayisha's POV



Matapos ang eksenang 'yon ay nagtungo na lamang ako sa aking kwarto at inabala na ang aking sarili sa pag-aayos at pag-lilinis ng katawan.


Nang matapos ako sa pag-aayos sa aking sarili ay nahiga na ako sa aking kama at napatitig na lamang sa kisame at bumuntong hininga.


Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Ate Talia sa akin. Sana maaga niya sa aking sinabi na gusto niyang maka-partner si Lance para maaga ko ring natanggihan ang kontrata kaso nga lang napirmahan ko na ang kontrata at may kasunduan na rin kami.


Ayoko pa namang nagagalit sa akin si Ate Talia dahil ayaw nila mommy at daddy na nag-aaway kaming dalawa at kahit naman ako ay ayaw ko rin na nag-aaway kami.


Sanggol pa lamang ako hanggang sa paglaki ko ay kasama ko na ang ate Talia. Bata pa lang kami ay magkasundo na kami sa lahat ng bagay.


Sabi nga nila kapag lumalaki ang isang tao o nagma-matured talagang malaki ang pinagbabago sa pisikal na pangangatawan minsan naman ay ang ugali ng tao ang nagbabago.


Kaya simula ng mag-dalaga kami ng ate Talia ay madalas na niya akong tarayan at awayin pero naiintindihan ko naman siya at kahit kalian hindi ako nag-tanim ng sama ng loob sa kaniya.


Mahal ko ang ate Talia kahit lagi niya akong tinatarayan o sinusungitan dahil alam ko namang may dahilan siya at isa pa ay kapatid ko siya.


Dahil sa matindi kong kakaisip ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako at bumungad na lang sa akin ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.


Good morning self, at good moring kay mother earth. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at inayos na ang aking sarili.


Matapos kong mag-ayos ay kinuha ko na ang aking gamit at napahawak na lang ako sa aking noo at napanganga ng makita ko ang libro ni giant beast.


Naku patay ako kay Lance hindi ko pa naman nabuklat 'tong libro na 'to at pinag-aralan ano na lang ang isasagot ko kay Lance kapag tinanong niya ako? Ano ba naman 'yan.


Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa dining area at nakita ko doon sila mommy at daddy bukod doon ay nandoon rin si ate Talia na inismiran lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.


"Mommy at daddy, hindi na po muna ako kakain ng almusal may tatapusin pa po kasi ako sa school," sabi ko sa kanila at kumunot naman ang kanilang noo.


"Bakit naman? Alas-sais pa lang naman ng umaga at alas-otso pa naman ang pasok mo pwede ka pang kumain gusto mo pabaunan na lang kita?" Saad ni mommy ngunit inilingan ko na lamang ito.


"Wag na po mommy okay lang po. At tsaka may cafeteria naman po sa university doon na lang po ako bibili, Sige po, mauuna po ako," saad ko at lumabas na ng bahay.


Since alas-sais pa lang naman ng umaga pwede kong lakarin 'to hanggang sa malakabas ako ng Landa Verde Village at sasakay na lang ako ng taxi kapag nasa labasan na ako.


Nagsimula na akong maglakad at habang naglalakad ay ako binuklat ko naman ang libro na pinahiram sa akin ni Lance at pinilit na magbasa at intindihin ang mga nakasulat.


Nakakakinis naman. Bakit kasi Math pa ang unang lesson namin ni Lance? At bakit ba kasi sobrang hirap na subject ang Math?


Patuloy lamang ako sa paglalakad at nagulat ng may marinig akong busina kaya naman agad akong napalingon sa likod at nakita ko doon ang isang itim na kotse.


Dahan-dahan itong huminto sa harapan ko na ipinagtaka ko. Hindi kaya kidnapper ang nakasakay dito? At dahil doon ay napa-atras ako mula sa kotse.


At maya-maya pa ay bumaba na ang bintana ng kotse at nakita ko doon ang lalaking red ang buhok na isa rin sa mga kaibigan ni Lance. Bakit siya nandito sa village? Dito rin ba siya nakatira?


"Pwede kang sumabay sa akin," saad niya na ikinagulat ko.


Grabe ang pogi rin niya pero hindi ko ipagkakaila na mas pogi si Lance ng 0.1% pero wala akong pake.


Crush ko na yata ang lalaking ito. Una ang pogi niya tapos ang bait niya pa dahil kahit hinadi naman niya ako ganoon kakilala ay isasabay niya ako sa sasakyan niya.


"Sigurado ka?" Tanong ko sa kaniya at tuumango naman siya sa akin at sumenyas na pumasok na ako sa kaniyang sasakyan.


Sumakay naman ako sa kaniyang kotse at agad naman niya 'tong pinaandar at binaybay na ang daan.


"By the way, ikaw ang ka-partner ni Lance, right?" Tanong niya habang ang kaniyang tingin ay naka-pokus pa rin sa kalsada.


"Oo ako nga," sagot ko sa kaniya at tumango lamang siya.


Grabe ang awkward naman pero syempre ayos lang sa akin dahil si crush naman ang kasama ko.


"By the way, what is your name again?" Tanong niya at iniliko ang sasakyan at muling nagpatuloy sa pagmamaneho.


"I'm Ayisha Margaux Lopez pero Ayita tawag nila sa akin. Alagad ako ni mother earth at may tatlo akong kaibigan na lumaki sa gubat at alagad rin mother earth pero ako ang kanang kamay ni mother earth," sabi ko at nakita ko naman ang bahagya niyang pag-ngiti.


Cute.


"Ayisha Margaux, what a nice name. By the way I'm Harley," pakilala niya at marahan naman akong tumango. So Harley pala ang pangalan ni crush.


"Nice to meet you, Harley," saad ko at napatingin na lamang ako sa librong hawak ko. Oo nga pala may kailangan nga pala akong sagutan dito.


Napabuntong hininga na lamang ako at napasandal sa upuan. Napatingin ako sa front mirror at nanlaki na lamang ang makita ko ng makita ko kung sino ito.


"LANCE!?"


The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon