Ayisha's POV
Maaga akong sa university at pagpasok ko sa classroom agad kong nakita doon ang mga kaibigan ni Lance na mukhang seryoso. Pero wala si Lance doon. Hindi ba dapat nandito na siya sa mga oras na ito?
Naupo ako sa upuan at binuksan ang aking cellphone para tingnan kung may message sa akin si Lance pero ni-isa ay wala akong nakita.
Napatingin ako kayla Harley, Theo at Andrei pero umiwas lamang sila ng tingin sa akin. Ano kayang nangyayari sa mga ito?
Dumating na ang first subject namin pero wala pa rin si Lance. Sumapit na ang lunch pero wala pa rin akong nakikitang Lance. Na saan naman kaya ang lalaking iyon? At hindi man lang niya naisipang i-text ako.
"Ayita, kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo. Ayos ka lang ba?" Saad ni Eirin at nginitian ko lamang siya.
"Hinahanap mo si Lance noh? Baka late lang nagising ang jowa mo. Kumain ka na lang muna malay mo pag-uwian nandyan siya labas at nag-iintay," saad ni Aria at tumango naman ako at ginalaw na ang aking pagkain.
Baka nga na-late lang si Lance.
Natapos ang klase para sa hapon na ito kaya naman mabilis akong nagligpit ng aking mga gamit para. Nang matapos akong mag-ayos ay naglakad na ako papalabas ng pinto ng bigla akong harangan ng tatlo.
"Ayisha gusto mo pumunta tayo ng library?" Saad ni Theo na ikinakunot ng noo ko.
"Ayisha gusto mo samahan mo ako sa cr?" Saad ni Andrei na ikinalaki ng mata ko. At agad naman siyang binatukan ni Harley. Dilang mother earth.
"Ayisha, wag ka munang lumabas kahit 30 minutes lang," saad ni Harley na mas lalong ikinakunot ng noo ko. Ano bang pinagsasabi ng mga 'to?
"Sorry Harley pero baka nag-iintay kasi sa labas si Lance," saad ko at mabilis ko naman silang tinakasan at narinig ko pa ang kanilang pagsigaw. Ang weird ng tatlong iyon.
Nang makalabas ako ng university ay agad kong inilibot ang aking mga mata pero wala akong nakitang Lance. Habang inililinga ko ang aking paningin ay biglang may lumapit sa aking babae.
"Ikaw ba si Ayisha?" Tanong niya sa akin at marahan naman akong tumango sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #1 Her soul belongs to the monarchy, and she is a princess. *** Ayisha Margaux Lopez, better known as Ayita, is a kind young lady that lives life to the fullest. Her parents run a business, and she will soon be in charge of it. They...