Epilogue

198 17 0
                                    



Pinagmasdan ko ang aking sarili sa malaking salamin at napangiti na lamang ako ng makita ang aking ayos.




Hindi ko akalaing makakapagsuot ako ng ganitong klaseng damit at magagarang alahas. Hindi ko akalaing makakatapak ako sa isang palasyo.




At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang kokoronahan ako ngayon. Grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon at grabe rin ang pamamasa at panlalamig ng aking mga kamay.





Napabaling ang aking tingin sa pintuan ng may kumatok dito at doon ay nakita ko si Dory, ang tapat na tagapaglingkod dito sa palasyo.




"Princess Ayisha, Queen Gertudes wants to talk to you." Saad ni Dory at marahan naman akong tumango sa kaniya at doon ay nakita ko aking ina at lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.




"Napakaganda mo," saad sa akin at marahan akong tumango.




"Salamat po, sa inyo ko lang naman po nakuha ang kagandahan ko," saad ko na ikinangiti naming dalawa at marahan naman niyang hinagod ang aking mahaba at makapal na buhok.




"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na hawak kita ngayon. Sobra akong nangulila sayo kaya naman labis ang saya ko na malamang ligtas ka."




"Alam mo bang naiingit ako kay Katarina pero hindi ako kailan man nagtanim sa kaniya ng loob. Naiingit lamang ako dahil ako dapat ang nag-aalaga sayo at nagpoprotekta dahil ako ang iyong ina pero hindi ko nagawa kaya naman gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sayo," saad niya at mabilis ko namang pinunasan ang luhang tumulo sa kaniyang luha.




"Hindi niyo po kailangang gawin iyon. Hindi naman po ako galit sa inyo at kahit kailan ay hindi ako nagtanim sa inyo ng sama ng loob. Naiinitindihan ko po kayo. Naiintindihan ko ang dahilan niyo kung bakit nahiwalay ako sa inyo pero ganon pa man ay nagpapasalamat po ako dahil isinilang niyo po ako sa mundong ito at prinotektahan sa loob ng mahabang panahon at sapat na po sa akin 'yon, wala na po akong mahihiling pa," saad ko at mabilis naman niya akong niyapos at doon ay tumulo ang aking luha.




Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay lumabas na ang aking ina at sumunod naman dito si mommy na may nangingilid na luha kaya naman ay mahigpit niya akong niyakap.



"Sabi na nga ba at nababagay ka sa ganitong mundo. Tingnan mo ang sarili mo. Sobrang ganda mo. Anak, pasensya ka na kung sobrang tagal bago kita naibalik talagang sobra ka lang napamahal sa akin."




"Naiintindihan ko po kayo at kahit kailan ay hindi po ako nagalit sa inyo. Kahit sino man sa inyo ay hindi ako nagtanim ng galit. Mahal ko po kayo, mahal ko po kayong lahat." Saad ko at mahigpit siyang niyakap.




Pagkatapos ng mga pag-uusap na iyon ay muli na naman akong naiwang mag-isa sa loob ng kwarto. Dahan-dahan akong lumapit sa malaking bintana at nakita ko doon ang daan-daang tao na nag-iintay sa koronasyon ko.




Matapos ang ilang minutong pag-iintay ay nakita ko na lamang ang sarili ko na naglalakad sa pasilyo at lahat ng madadaanan kong tao ay niyuyukuan ako.




Hindi ako sanay na niyuyukuan ako pero wala akong magagawa dahil ito na ang nakasanayan nila at ito ang buhay ko.



Pagdating ko sa malaking pintuan ay dahan-dahan itong nagbukas at doon ay bumungad sa aking harapan ang mahang pulang carpet at bukod doon ay may mga matataas na tao rin sa taas ng abbey.




At sa dulong bahagi ng abbey ay makikita mo doon si Queen Talisha Sunniva Vallet ang kasalukuyang reyna ng Schwerin at sa gilid nito ay ang aking ina.




Bago tuluyang maglakad ay nakita ko pa ang aking mga kaibigan na masaya at malawak na nakangiti sa akin at marahang yumukod sa akin.




Naalala ko pa noon nung sinabi ko sa kanila ang totoo kong pagkatao at kahit sila ay hindi rin makapaniwala.




Sino nga naman ang maniniwala sa akin kung ang buong alam nila ay isa akong simpleng babae na tumutulong sa pagtitinda ng kikiam, kamote at mga bulaklak.




Nang makarating ako sa dulo ay agad akong inilalayaan paupo sa upuan at sinimulan na nilang gawin ang rite.




"O God the crown of the faithful bless we beseech thee this crown and so sanctify thy servant Ayisha Margaux Vallet upon whose head this day thou dost place it for a sign of royal majesty, that she may be filled by thine abundant grace with all princely virtues through the King eternal Jesus Christ our Lord. Amen, " saad ng archbishop at doon ay dahan dahan niyang inilagay ang korona sa aking ulo.




"God crown you with a crown of glory and righteousness, that having a right faith and manifold fruit of good works, you may obtain the crown of an everlasting kingdom by the gift of him whose kingdom endureth for ever. Amen."



I am no longer a simple girl living in the city. I am now a royal. A crown princess and the thirteen heirs of the Royal Family Vallet


≪ °❈° ≫≪ °❈° ≫

𝕿𝖍𝖊 𝕳𝖊𝖎𝖗𝖘

The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon