Chapter 18

186 21 0
                                    



Ayisha's POV



"Ayisha nakakagulat ka naman kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Theo pero ang aking mga mta ay nanatiling nakatingin kay Lance.


Ibig sabihin ba nito isa silang mga prinsipe? Pero kung mga prinsipe sila bakit hindi ganoon ang mga inaasta nila? Siguro malakas lang talaga ang mga 'to mag-imagine.


Iniling ko na lamang ang aking ulo at inalis ang tingin kay Lance at ibinaling na lamang kay Theo at binigyan siya ng ngiti. Buti naman at napansin na nila ako.



Sa hindi inaasahan ay muli na namang dumapo ang tingin ko kay Lance at ano pa nga ba ang gagawin niya kundi ang irapan ako. 'Yan naman lagi ang bungad niya sa akin ang tarayan at irapan ako. Maduling ka sana.



"Bakit tayong lima lang ang nandito? Na saan ang iba nating mga classmates?" Tanong ko sa kanila ng makalapit ako sa kanilang pwesto.



Binigyan lamang ako ng ngiti ni Harley na agad ko namang sinuklian habang kibit-balikat lang ang ginawa ni Andrei.



"Pinaalis kasi ni Lance," natatawang saad ni Theo at agad naman akong tumingin kay Lance para malaman kung totoo nga ang sinasabi ni Theo pero tinaasan niya lamang ako ng kilay.



Wala na bang pag-asang magbago ang lalaking 'to, mother earth?



"Na saan na sila ngayon? Kawawa naman mga kaklase natin," saad ko. Bakit hindi pinigilan ng mga 'to si Lance na wag paalisin mga kaklase namin? Mga hambog rin kasi ang mga 'to.



"Wag kang mag-alala Ayisha, nasa gymnasium silang lahat at mukhang masaya pa nga sila habang pinapaalis ni Lance," saad ni Andrei.



Sabagay lahat naman masaya para sa mga estudyante. Halimbawa na lang kapag naka-padlock ang room hindi na bubuksan para sa labas na lang mag-klase. Ganon lang kababaw kasiyahan namin.



"Hey," agad naman akong napalingon kay Lance ng tawagin niya ako. Kailan ba naging 'hey' ang pangalan ko?



"Problema mo?" Masungit kong saad sa kaniya at nagulat ako ng bigla siyang may hinagis sa akin at mabuti na lamang ay agad ko itong nasalo.



Wala bang GMRC ang lalaking ito? At hindi marunong magbigay o mag-abot ng maayos. Agad ko siyang sinamaan ng tingin pero nginisihan niya lamang ako.



"Our next topic is history. Open your book at page 64, study it and try to understand it. I will ask you later," saad ni Lance at napabuntong-hininga na lamang ako.




"Ang harsh mo naman kay Ayisha, Lance," saad ni Andrei na ikinangiti naman ng right ventricle ko.




Tama ka diyan Andrei sobrang harsh ng ibinigay mo sa aking ka-partner kaya dapat lang na ipagtanggol mo ako dahil hindi ko naman magiging ka-partner yan kung hindi mo ako pinilit at kinonsenya.




"I don't care," saad ni Lance na ikinairap ko na lamang. I don't care mo puwet mo.



Tinalikuran ko na lamang sila na naupo na ako sa aking upuan. Pagkabuklat ko ng libro ay napakagat na lamang ako sa aking labi at napakamot sa aking ulo. History na nga lang tapos English pa ang nakasulat. Kailan ba matatapos ang paghihirap ko sa English?


The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon