Chapter 3

233 23 0
                                    


Ayisha's POV



Matapos ang klase ko sa hapon ay mabilis akong naga-inat ng katawan. Sa wakas at tapos na rin ang klase para sa araw ng lunes. Sana mag-linggo na, nakakatamad ng pumasok.




Matapos kong mag-inat ay sunod ko namang ginawa ay inayos ko na ang aking mga gamit.




Ang daming mga modules at lesson na pag-aaralan dahil next week ay merong pre-test. Nakakainis talaga ang araw na ito.



Nang matapos ko ng ayusin ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng classroom at nagtungo na sa labas ng school.



Nang makarating ako sa labas ng school ay agad kong inintay ang mga kaibigan kong pa VIP. Ako na nga naunang pumasok sa kanila ako na naman ang naunang lumabas, grabe na talaga mother earth.



Habang iniintay ang tatlo kong kaibigan ay naupo muna ako sa waiting shed. At pinanood ang mga estudyante. Gusto kong kumain ng mga street foods.



Doon sa last school ko kasi ay maraming nagtitindang iba't-ibang street foods tuwing uwian. At nakasanayan na naming magkakaibigan na bago umuwi ay bumibili muna kami ng makakain.



Kaso hindi na namin magagawa dahil paano ba naman puro restaurant ang nandito sa harapan ng school. Masyadong expensive.



Mayaman rin naman kami pero hindi ibig sabihin ay gagastos ng gagastos kami. Mabilis lang naman maubos ang pera kaya dapat lang na magtipid at gusto ko pa rin na simple lang ang buhay ko kahit na sobrang ganda ko.



Ilang minuto pa ay nakita ko na ang mga kaibigan ko na kalalabas lang sa gate.



"Ayita sorry pinag-intay ka namin. Nakakainis kasi mga professor's dito daming pinapagawa. First day pa lang naman, hambalusin ko sila ng upuan eh," reklamo ni Eirin ng makalapit sa akin.



"Hinay-hinay lang mother earth ang puso mo baka hindi na tumibok," sabi naman ni Aria na ikinatawa namin.



"Wag mong dibdibin dahil wala ka namang dibdib," sabi ko at sinamaan naman nya ako ng tingin kaya nag-peace sign na lamang ako.



"Ano diresto na ba tayong uwi ng bahay? O kain muna tayo ng fish ball o hindi kaya yung paborito nating kikiam," sabi ni Gil.



"Paano tayo kakain ng street foods? Puro restaurant ang nandito tsaka masyadong mamahalin ang mga pagkain diyan hindi pa natin sure kung masarap," sabi ni Eirin at tumango naman ako.

The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon