Chapter 8

198 20 0
                                    


Ayisha's POV



Apat na oras rin ang tinagal namin ni Girl sa amusement park. Lahat kasi ng dumadaan na tao sa harap namin ay inaalok na namin ng kikiam para mabilis maubos ang tinda ni Girl at para may pambili na rin sila ng gamot ng nanay nila.



Nakarating ako sa bahay na pagod at gutom. Sinong hindi magugutom kung ikaw ang nagluluto ng kikiam tapos langhap na langhap mo yung bango tapos may mga kumakain pa sa harapan mo.



Nang makapasok ako sa bahay ay agad kong inilapag ang bag ko sa couch at naupo pagkatapos ay nag-inat. Ang sakit ng likod ko.



Habang nagpapahinga ako sa living room nakita ko si Ate Talia na pababa sa hagdanan at nakatingin sa akin. Isang taon lang ang tanda sa akin ni Ate Talia pero same grade level lang kami.



"Mabuti naman at nakauwi ka na. How's your day?" Saad ni Ate Talia sa akin.



"Ayos lang naman ate, medyo nagkagulo lang kanina sa room dahil naghahanapan ng ka-partner para sa evaluation," saad ko at tumaas naman ang kanang kilay niya sa sinabi ko.



"Oh yeah, good thing nabanggit mo ang tungkol sa evaluation. May tanong ako sayo," saad niya at humalukipkip sa aking harapan.



"Ano po 'yun ate?"



"I heard na ka-partner mo daw si Lance evaluation," saad ni Ate Talia at mabilis naman akong tumango sa kaniya.




"Oo ate, si Lance yung ka-partner ko. Yung laging hinahabol ng mga babae tapos suplado at mahilig mag-English nakaka-nosebleed nga yung lalaking iyon eh," sabi ko pero nakataas parin ang kilay nya sa akin na ipinagtaka ko.



May problema ba?



"Grabe, hindi ko alam na pumapatol na pala si Lance sa mga cheap na girls," sabi ni Ate Talia nakapagpanganga sa akin. Ano bang sinasabi niya?



Ano na naman bang ginawa ko? Everytime na lang na may sasabihin ako sa kanya lagi siyang gali. May mali na naman ba sa mga sinabi ko? Wala naman diba, dahil totoo naman yung mga sinabi ko.



Napabuntong hininga na lamang ako at nanatiling tahimik at nakikinig sa kaniya.



"Siguro naman Ayisha alam mong matalino si Lance. Pero sana naman wag mo syang ipahiya sa evaluation test. Alam kong mahina ang utak mo Ayisha pero sana naman this time magpakatino ka, wag kang puro ganda lang," saad niya at umalis na sa aking harapan at nagtungo na sa dining area.




Alam kong mahina ang utak ko, alam kong hindi ako kasing talino ni Ate, ni Lance at iba ko pang kaklase. Pero kahit ganoon pinipilit ko ang sarili kong maging magaling at matuto.



Desidido akong makuha ang scholarship na iyon at kahit malabong mangyari iyon hindi pa rin ako pinanghihinaan ng loob dahil may tiwala ako sa sarili ko.




Saglit pa akong nagpahinga sa living room hanggang sa napagpasyahan kong umakyat na sa taas. Pumasok ako sa aking kwarto at ibignasak ang sarili sa aking kama at napatitig na lamang sa kisame.



Bakit kasi ang daming na-iingit sa ganda ko? Char. Dear mother earth, sana tulungan nyo ako na ipasok lahat sa utak ko ang ituturo sa akin ni Lance at sana hindi rin po maubos ang dugo ko dahil ayaw ko pa pong mamatay.




Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at pumasok na sa banyo para makapaglinis na ng katawan.



Naliligo talaga ako kahit gabing-gabi na hindi kasi ako komportable kapag hindi ako naliligo.



Binasa ko ang aking buhok at sunod naman na ginawa ko ay binabad ko ang sarili ko sa bathtub.



Maganda kasi kung magbabad ka muna ng kahit mga ilang minuto para kahit pa-paano ma-refresh saglit ang ating katawan.



Yung iba kasi pagpasok pa lang sa comfort room isang buhos lang sabay sabon at shampoo na kaya hindi sila nape-preskuhan.



Pagkatapos kung magbabad ay nag-shampoo muna ako. Inuuna ko talaga ang pagsa-shampoo ng buhok dahil kapag binanlawan mo na ito lahat ng dumi sa buhok mo mapupunta sa katawan mo kaya after mong mag-shampoo tsaka ka mag-sabon.



Sa paglalagay ng shampoo kaylangan i-massage mo rin ang iyong buhok at ulo mo. Nakakatulong daw kasi ito for hair growth kaya ginawa ko na rin.



Ilang minuto rin ang tinagal ko sa loob ng banyo bago matapos sa pagligo. Nagsuot na ako ng cute na pajama at t-shirt pagkatapos ay naupo ako sa harap ng vanity table at ginawa na ang aking skincare routine at pinatuyo na rin ang aking basang buhok.



Nang matuyo na ang aking buhok ay nahiga na ako sa aking kama ngunit nanatili pa rin na dilat ang aking mga mata at nakatingin sa kisame.



Ang daming nangyari ngayong araw na ito. Hindi ko akalain na makaka-partner ko sa evaluation si Lance. Si Lance na masama ang ugali at isang giant beast.



Bukas na ang simula ng pagtuturo at kinakabahan ako sa mga mangyayari sa akin lalo pa at si Lance na masama ang ugali ang makakasama ko sa loob ng dalawang oras.



Napabuntong na lamang ako at ipinikit na ang aking mga mata.



Siguro naman hindi ganoon kahirap ang ituturo sa akin ni Lance.



Good luck self, kaya mo yan.

The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon