Ayisha's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon ay pasukan na namin sa Royal Marchand University. Parang noong isang araw lang ay nag-gagala pa kami nila Eirin, Aira at Gil pero ngayon ay papasok na kami.
Bumangon ako sa aking kama at nagtungo sa banyo para masimulan na ang aking morning routine. Matapos kong maligo ay nag-suot muna ako ng bathrobe at lumabas na ng banyo.
Nandoon na rin ang aking uniform na hinanda ni yaya kani-kanina lang. Naupo ako sa harap ng vanity mirror at sinimulan na ang aking skincare routine pagkatapos ay pinatuyo ko na rin ang aking buhok gamit ang blower.
Matapos ay sinuot ko na ang aking uniform na plansyado maging ang aking sapatos. Pagkatapos ay dinala ko na ang aking bag.
Lumabas na ako ng kuwarto para makapag-almusal at nagulat ako ng makita ko doon si Ate Talia. Nakabalik na pala siya galing America.
Nang mapansin niya ako ay saglit niya lamang ako pinasadahan ng tingin at muling tinuon ang kaniyang atensyon sa pagkain.
Tipid lamang akong ngumiti at naupo na rin sa katabi niyang upuan at sinimulan na rin ang pagkain.
Nang matapos ang school year namin noon ay agad na kumuha si Ate Talia ng ticket papuntang America at doon siya mananatili habang bakasyon at uuwi lamang dito kapag nag-start na ang klase.
Anong oras kaya dumating si Ate Talia kagabi? Ayos lang ba ang pakiramdam niya? Kumpleto kaya ang tulog niya?
Bago ko pa masagot ang lahat ng katanungan ko ay nakita ko nang tapos na si Ate Talia sa pagkain. Ang bilis niya.
"Mommy, daddy, aalis na po ako," saad ni ate at binigyan ng halik sa pisngi ang mga magulang namin.
"Hindi mo ba isasabay si Ayisha? Same school naman kayo diba?" Sabi ni mommy at agad naman akong tumingin kay Ate Talia na nakataas ang kanang kilay sa akin.
"Mommy, kasabay ko po sila Eirin, Gil at Aira. Napagusapan na po kasi namin ito noong isang linggo na magkakasabay po kaming pumasok," saad ko.
"Ganun ba? O sige, Talia mag-iingat ka and good luck sa pagpasok," sabi ni mommy at niyakap siya ng mahigpit ganoon rin si daddy.
Agad ng umalis si Ate Talia ng kumalas sa pagkakayakap si mommy at daddy at pagkatapos ay sinaluhan ako sa pagkain.
BINABASA MO ANG
The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #1 Her soul belongs to the monarchy, and she is a princess. *** Ayisha Margaux Lopez, better known as Ayita, is a kind young lady that lives life to the fullest. Her parents run a business, and she will soon be in charge of it. They...