Chapter 9

200 20 0
                                    



Ayisha's POV



Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto.



Napangiti ng bumungad sa akin ang magagandang rosas na nasa gilid ng aking malambot na kama na umaapaw sa bango.



At tanging malambot na kumot na lamang ang nakatakip sa aking makinis at malambot na katawan.



Pero syempre lahat ng iyon ay imahinasyon ko lang dahil imposibleng mangyari ang mga ganoong bagay. Wala pa nga akong boyfriend kung kaya paano mangyayari ang lahat ng 'yan.



Bumangon na ako sa aking kama at nag-inat ng katawan. Mabilis naman akong nagtungo sa salamin para tingnan ang aking sarili at napangiti na lamang ako ng makita ko ang aking repleksyon.



Meron akong mahaba at medyo kulot na buhok, bilugan rin ang aking mga mata at ito'y kulay tsokalate. Habang meron naman akong mapupulang pisngi at labi at ang aking balat ay katulad ng gatas sa kaputian. At syempre para may design ang aking buhok ay meron akong bangs.



Ilang minuto pa ang tinagal ko sa harap ng salamin hanggang sa napagpasyahan ko ng lumabas ng kwarto para kumain na ng almusal.



"Good morning anak, kumain ka na ng almusal," sabi sa akin ni Daddy ng makababa ako. Agad naman akong na-upo sa lamesa. Biro lang, syempre sa upuan ako umupo.



"By the way anak, narinig ko na meron kayong evaluation test next month. Good luck sa inyong dalawa ng Ate Talia," sabi ni mommy kaya napangiti naman ako agad.



Talagang gagalingan ko talaga at mag-aaral ako ng mabuti hanggang sa makuha ko ang scholarship na 'yon.



Malaking sayang kung hindi ko makukuha ang scholarship. Malaking tulong na rin 'yon para mabawasan kahit pa-paano ang bayarin.



Matapos kong kumain ay bumalik na ulit sa aking kwarto para makapaghanda na ng sarili. Pagkatapos kong magawa ang morning ritual ko ay nagpaalam na ako sa kanila.



Sumakay na ako sa kotse at agad naman ni kuyang driver pinaandar ang sasakyan at binaybay ang daan.



Habang nasa kotse ay hindi ko maiwasang isipin ang tungkol sa evaluation test.



Ngayon na ang pagtuturo para sa evaluation test at ka-partner ko si Lance at tuturuan ko nga rin pala siya ng Tagalog, pero maiintindihan kaya niya?

The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon