Chapter 27

179 18 0
                                    


Ayisha's POV


Maaga akong nagising at nakapag-ayos ng sarili dahil pupunta ako ngayon sa flower shop ni mommy. Nagsuot lamang ako ng simpleng white dress at doll shoes.



Paglabas ko ng aking kwarto nakita ko si ate Talia na busy sa kanyang laptop at nagpaalam sa kaniya. Paglabas ko ng bahay ay nagulat ako kung sino ang nakita ko. Anong ginagawa ni Harley dito?



Agad kong ibinalik ang tingin ko sa loob ng bahay at napakagat na lamang ako sa aking labi dahil sa takot at kaba na baka makita dito si Harley.



"Hi Ayisha," bati niya sa akin at nginitian ko lamang siya. Agad akong lumapit sa kaniya at inilayo siya sa harap ng bahay namin dahil baka makita kami ni ate at magkagulo lang.



"Hey, are you okay? Bakit tayo tumatakbo?" Tanong niya at huminto naman kami sa tapat ng isang bahay at hinarap siya.



"Anong ginagawa mo dito Harley? At tsaka paano mo nalaman ang bahay ko?" Tanong ko.



"I just asked your neighbors," saad niya at napabuntong-hininga na lamang ako.



"Pero bakit ka nga nandito? Anong ginagawa mo dito? Paano kung makita ka ni ate Talia," saad ko at kumunot naman ang kaniyang noo.



"Ano naman kung makita ako ni Talia? Is there any problem with that?" Saad niya.



"Ah eh hehe wala naman pero mas maganda kung hindi kana pumunta dito. Sabado ngayon diba at rest day yun. Kaya dapat nagpapahinga ka lang sa bahay niyo," saad ko pero mariin lamang siyang nakatingin sa akin.



"Alam kong iniiwasan mo ako Ayisha," saad niya na ikinatikom ng bibig ko.



"I don't know what your reason is for avoiding me, but I hope I didn't hurt you," saad niya.



Hindi naman niya ako sinaktan. Hindi nila ako sinaktan at wala silang ginawang mali sa akin.



"Hindi mo ako nasaktan," saad ko.



"Then why are you avoiding me? Is it because I like you?" Saad niya at napakagat na lamang ako sa aking labi.



"Harley..."


The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon