Chapter 15

178 19 0
                                    


Ayisha's POV



Nakakainis naman itong lalaking 'to. Papansin talaga kahit kailan sa buhay ko.


Muli kong kinuha ang libro sa aking bag at padabog 'tong nilapag sa lamesa kaya naman napatingin sa akin ang iba kong mga kaklase at hindi sila pinansin.


Naiinis ako ngayon dahil sa giant beast na 'to. Bakit kailangan niya akong apihin ng ganito? Dahil ba mahirap ako? Biro lang. Pero naiinis talaga ako sa kaniya ng sobra.


Binuklat ko ang libro at napapikit na lamang ako ng mapunit ko ang dalawang pahina dahil sa lakas ng pagbuklat ko.


Agad akong napatingin sa gawi ni Lance at nakita ko siyang nakakagat sa kaniyang ibabang labi habang minamasahe ang kaniyang sintido.


Naku napunit ko yung libro ni Lance. Papabayaran kaya niya sa akin 'to? Kung papabayarin niya okay lang naman tutal ako naman ang nakapunit. Galit kaya siya?


Isinara ko na lamang ng dahan-dahan ang libro at umiwas ng tingin sa kanya.


Ano ba naman 'tong araw na ito? Bakit ang malas ko ngayon mother earth? At bakit ang tagal dumating ni Sir Philip.


Nagulat ako ng lumapit sa pwesto ko si Harley kaya naman napa-ayos ako ng pagkakaupo. Ano kaya ang kailangan niya?


"Ayisha," tawag niya sa akin kaya naman agad kong ibinaling sa kaniya ang tingin ko at ngumiti sa kaniya.



"Harley, bakit? May kailangan ka?" Tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya sa akin at naupo sa tabi ko.


"Wala akong kailangan, actually Ayisha pwede kitang turuan muna saglit sa Math habang wala pa si Sir Philip and tapos na rin naman kami ni Talia," sabi ni Harley at ngumiti naman ako sa kaniya.


"Ganun ba, naku nakakahiya naman sayo cru- I mean, Harley," saad ko sa kaniya pero agad naman siyang umiling sa akin.


"No, it's okay, I insist," saad ni Harley at ng kukunin na niya ang libro sa akin ay bigla na lamang may humawak dito at nakita ko doon si Lance na mariing nakatingin sa akin.


Ano ba naman 'tong giant beast na 'to kahit kailan talaga ay epal. Dapat nga ay nagpapasalamat pa siya sa kaibigan niya dahil nagmamagandang loob 'to at para hindi na sumakit ang ulo niya sa akin.


"Harley leave her alone and let her study on her own. I already discussed the lesson with her, and I expect that she will understand it," saad ni Lance habang mariin pa rin' nakatingin sa akin.


Wala kaya akong naintindihan sa mga itinuro niya dahil sa kaka-English niya.


Hindi katulad noong teacher ko sa senior high school kahit pa-paano ay naiintindihan ko ang itinuturo nya dahil nagsasalita siya ng Tagalog.


"Lance, I insist, tuturuan ko si Ayisha," saad ni Harley at ilang segundo pa siyang tumingin sa akin bago niya binitawan ang libro at umalis na sa aming harapan at napabuntong hininga naman ako.


"So, let's start?" Saad niya at agad naman akong tumango sa kaniya.


Pa-simple kong inangat ang aking tingin ng maramdaman kong may nakatingin sa gawi namin at nakita ko doon si Lance na mariin pa rin' nakatingin sa akin.


Ano ba talaga ang problema ng lalaking 'to sa akin?


_____


Lance's POV


"Lance, are you alright? Sobrang seryoso natin ah," Theo says, but I just rolled my eyes and I heard his laugh. That made my jaw clench.


"Ano ba ang nangyayari sayo? Kung hindi ka lang namin kaibigan at kilala ni Theo iisipin namin na nagseselos ka kay Harley," Andrei said, but I just ignored it.


I looked at her again and I saw how she smiled when Harley was discussing something about her.


This shouldn't bother me, and it doesn't. It doesn't bother me a lot. In the interest of thoroughness, I looked at her again and clenched my fist and massaged my temples.



I shook my head and took the phone out of my pocket, focusing my attention on it. But I can't concentrate because all I can hear is her voice.



Crap. This is not me.



"And that's it makukuha mo na ang sagot," Harley said, and I rolled my eyes when she clapped her hands.


Why is she not like that to me when I am teaching her? She has a bias, huh?


"Wow ang galing, ganon lang pala iyon akala ko talaga mahirap siyang gawin. Ang galing mong mag-explain siguro kayo na ni Ate Talia ang papasa sa evaluation at makakakuha ng scholarship," She said, and for the nth time, I rolled my eyes again. Damn.


I turned my gaze to Theo when he tapped my shoulder and grinned at me.


"Easy lang Lance, kawawa naman 'yang cellphone mo baka mabasag dahil sa higpit ng pagkakahawak mo," Theo said, and I removed his hand from my shoulder.


"Madali lang naman yan Ayisha all you need to do is to focus and understand the lesson."


"Kahit anong focus ko hindi talaga kinakaya ng utak ko at tsaka paano ko naman maiintindihan yung lesson? English na nga 'yung pagkakasulat sa libro, englishero pa 'yung nagtuturo sa akin," she said.


"So, it's my fault that she can't understand the lesson, huh?" I murmured, and I heard Theo and Andrei chuckled. These idiots.


Should I start learning Tagalog just for her? Damn.


The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon