Ayisha's POV
Maaga akong nagising para pumasok sa university at syempre fresh na fresh ako ngayon lalo pa at Friday na ngayon at wala ng pasok bukas.
Nang matapos akong mag-ayos sa aking sarili ay lumabas na ako ng bahay at nagpahatid sa aming driver papunta sa university. Nang makarating ako sa school ay agad akong binati ni kuyang guard na mas lalong nagpasaya sa aking 4 chambers.
Nang makarating ako sa field ay nakita ko doon ang mga kaibigan ko at sinamahan sila sa kanilang kwentuhan.
"Ayita ang fresh natin ah. Anong kinain?" Saad ni Eirin at nginitian ko lamang siya.
"Ganon talaga kapag kanang kamay ni mother earth dapat stay fresh and clean like C2. Charot. Pero siya nga pala may dala akong magazine ng Avon. Order na kayo mga mother earth," saad ko at inilabas sa aking bag ang tatlong magazine ng Avon.
Negosyante kasi akong babae at kahit anong mapasukan kong trabaho ay pinapasukan ko para naman may magawa ako sa buhay ko at may mapagkaabalahan.
"Shocks, mga mother earth ang ganda naman ng bra at panty na ito," komento ni Eirin napatingin naman ako sa magazine para tingnan ang tinutukoy niya.
"Yes maganda talaga yan pwede mong magamit yan sa outing lalo pa at mahilig ka doon," saad ko at tumango naman siya at muling inabala ang sarili sa magazine.
"Gusto ko itong pabangong ito," sabi ni Aria habang inaamoy-amoy ang daliri niya na may touch of Avon magazine.
"Ako rin," saad naman ni Gil at na nakapag-pangiti sa akin. Naku makakabenta na naman ako nito. Kung pagbentahan ko rin kaya mga kaklase ko para marami akong mahakot ngayon.
"Kukuha kami Ayita ipapadala na lang namin sa bahay niyo yung pera mamaya," saad ni Gil at mabilis naman akong tumango.
"Aasahan ko 'yan ha," saad ko. Pagkatapos ng kwentuhan ay napagpasyahan na naming pumunta na sa aming mga classroom dahil baka ma-late kami.
Pagpasok ko sa loob ay agad na bumungad sa akin ang mga maiingay kong kaklase na may sari-sariling mundo.
Naglakad ako papunta sa pwesto ko at naupo sa aking upuan at ng makaupo ako ay saktong nakatingin sa akin sila Lance at Harley kaya agad akong umiwas.
Tapos na ang evaluation test, wala ng tutorial lesson na magaganap pa at lalong tapos na rin ang pagtuturo ko kay Lance ng Tagalog kaya wala ng dahilan pa para pansinin at kausapin sila.
BINABASA MO ANG
The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #1 Her soul belongs to the monarchy, and she is a princess. *** Ayisha Margaux Lopez, better known as Ayita, is a kind young lady that lives life to the fullest. Her parents run a business, and she will soon be in charge of it. They...