Chapter 17

183 20 0
                                    



Ayisha's POV



Matapos naming bumili ng pagkain sa cafeteria ay pinili naming kumain na lamang sa fiield dahil wala nang masyadong mauupuan sa loob.


Nakita ko pa nga doon si Lance at ang mga kaibigan niya na nagkakatuwaaan. Mabuti na nga lamang na sa field kami kumain ng mga kaibigan ko dahil for sure mawawalan lang ako ng ganang kumain.


Sa ngayon ay nasa field na kami ngayon ng mga kaibigan ko at meron kaming three hours na vacant dahil nasa meeting lahat ang mga teacher at piang-uusapan ang mga plano para sa school year na 'to kaya naman susulitin na namin ang oras.


"Mga mother earth nakakainis yung nagtuturo sa akin, feeling gwapo hindi naman," saad ni Eirin at sumubo ng pagkain.


Kung sayo nakakainis sa akin nakakagigil at ang sarap tirisin.


"Mas lalo yung naman sa akin ang sakit sa ulo kausap, hindi kami mag-kasundo," saad naman ni Aria na may paghawak pa sa ulo.


Kung sayo pag-sakit lang sa ulo ang sa akin naman ay unti-unti ng nagpuputukan mga brain cells ko.


"Sa akin okay lang naman nagkakaintindihan naman kaming dalawa at nagkakasundo," saad ni Gil at napatango na lamang kaming tatlo sa kaniya.


Buti pa si Gil at ang ka-partner niya nagkakaintindihan silang dalawa. Eh kami ni Lance, hindi. Parang alien ang kaharap ko lahat na lang ng sasabihin kong salita sa kaniya ay bago pa lang sa pandinig niya. Nakakainis.


Nabalik ako sa aking kataninuan ng kalabitin ako ni Eirin at napansin ko na lahat sila ay nakatingin sa akin.


"Bakit?" Tanong ko sa kanila at sumubo ng fries.


"Tinatanong ka namin kung kumusta ka na? Sabi mo sa amin nagiging matalino kana dahil englishero ang nagtuturo sayo so ano naman ang natutunan mo sa kanya?" Tanong ni Eirin at napabuntong hininga na lamang ako ng napanguso.


Sa ilang araw na pagtuturo ni Lance sa akin halos wala akong naintindihan sa mga tinuro niya.


"Hindi yun totoo, charot lang 'yon. Actually lalo pa nga ata akong walang naintindihan, alam niyo naman na mahina ang utak ko pagdating sa English," saad ko at nagulat kaming tatlo ng pumalakpak si Aria. Ano kaya ang nangyari dito?


"Sabi ko na sa inyo eh, dapat tayong apat na lang ang mag-partner," sabi ni Aria habang dahan-dahang iniiling ang kaniyang ulo.


"Aria tama ka, dapat tayong apat na lang ang mag-partner, kaso Aria evaluation 'to pag-magkakasama tayong apat jusko dilang mother earth wala tayong matututunan kaya tiis-tiis na lang muna tayo mga mother earth," sabi ni Gil at tumango na lamang kami.


Hindi ko alam kung makakatiis pa ako. Gusto ko na ngang sumuko dahil sa mga itinuturo sa akin ni Lance. Actually, bilib nga ako kay Lance.

The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon