Ayisha's POV
Ilang buwan ang nakalipas simula ng maging kami ni Lance at masasabi kong ayos ang lahat.
Sila Lance, Harley at ako ay ayos na dahil matapos naming magkausap tatlo ng masinsinan noon ay naging maayos na ang lahat at walang kahit ano pang pag-kailang ang namamagitan sa aming tatlo.
Bukod doon ay masaya ang mga kaibigan namin ng malaman ang tungkol sa amin ni Lance. Balak pa nga ni Eirin na ipagsigawan sa buong school ang tungkol doon buti na lang ay agad namin siyang napigilan.
Natapos ang klase para sa hapon na ito na walang ginawa si Lance kundi ang halikan ang kamay ko at tabihan ako kung saan man ako pumwesto.
Bago kami tuluyang umuwi ay pumunta muna kami sa amusement park at nakita namin doon si Girl kaya naman mabilis kaming lumapit sa kaniya at binati.
"Ate Ayisha, Kuya Lance! Namiss ko po kayo. Mabuti naman po at pumunta kayo," saad ni Girl at kinurot ko naman ang kaninyang matabang pisngi. Cute.
"Syempre, hinding-hindi kaya kita makakalimutan. So ano nakabenta ka na ba?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya sa akin na may kasama pang okay-sign.
Napansin ko ang mata ni Girl na nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Lance kaya naman napakagat na lamang ako sa aking labi.
"Mag-jowa na po kayo?" Tanong niya sa akin at tumango naman ako sa kaniya.
"Yes, baby. Your ate Ayisha is my girlfriend," saad ni Lance at nagulat naman ako ng yakapin niya ako at nakita ko naman si Girl na kilig na kilig. Itong batang 'to siya ang lulutuin ko eh. Joke.
Nang matapos kami sa pagtitinda ng kikiam ay muli kaming bumalik ni Lance sa school at simula kanina ay hindi niya parin binibitawan ang kamay ko.
"Nandito na ang sundo ko," saad ko pero nanatili siyang tahimik at nakatingin sa akin na ipinagtaka ko.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ko at nanlaki ang aking mga mata ng mabilis na dinampian ni Lance ng halik ang aking labi.
Agad kong inilibot ang aking tingin para tingnan kung may nakakita at agad ko naman siyang hinampas sa kaniyang braso na ikinatawa niya.
BINABASA MO ANG
The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #1 Her soul belongs to the monarchy, and she is a princess. *** Ayisha Margaux Lopez, better known as Ayita, is a kind young lady that lives life to the fullest. Her parents run a business, and she will soon be in charge of it. They...