Chapter 28

179 16 0
                                    


Ayisha's POV



"Ano ba naman kayong dalawa. Bakit nawala kayo nung sabado? Ang tagal naming nag-intay sa mall ni Andrei at walang anino ni Harley at Lance ang nagpakita sa amin," saad ni Theo at tumango naman si Andrei doon.



Nasa classroom ako ngayon at kumakain ng masarap na pasta na ipinabaon sa akin ni Mommy.



At si Theo? Ayon pinapagalitan ang dalawa. May lakad pala sila noong sabado pero mas pinili pa nilang mag-stay sa flower shop.



At sobra akong na-guilty dahil nag-intay ng matagal sila Theo at Andrei pero hindi man lang sila sinipot ng dalawang ito.



"Sorry may inasikaso lang ako," saad ni Harley.



"At ikaw Lance ano naman ang dahilan mo?" Tanong sa kaniya ni Andrei.



Nanlaki ang aking mga mata ng tumingin siya sa akin kaya naman mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya at pinagpatuloy ko ang pagkain.



"I was drunk because of too much alcohol, and I woke up late," saad ni Lance at napataas na lamang ang aking kilay. Ang galing. Ang galing gumawa ng mga palusot.



"Totoo ba 'yan o baka naman may pinuntahan kayong dalawa?" saad ni Andrei. At agad naman akong nakaramdam ng kaba.



"No, wala kaming pinuntahang iba. You know naman na may business si Dad dito and nagkataong may emergeny sa company kaya ako muna ang nagbantay doon habang inaasikaso ni Dad ang problem," saad ni Harley.



"Do you think I will go anywhere if I'm too drunk and have a hangover?" saad naman ni Lance.



"Easy lang, sobrang defensive niyong dalawa," natatawang saad ni Andrei at napailing na lamang.



"Ayisha!"



Muntik na akong mabulunan dahil sa sigaw na ginawa ni Andrei. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin pero tinawanan lamang niya ako.



"How's your Saturday?" Tanong nito sa akin.



"Ayos lang naman. Bakit?"


The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon