Ayisha's POV
Matapos ang klase ay nandito kami ngayon sa field kasama ang mga kaibigan ko na kanina pa tawanan ng tawanan kahit wala namang nakakatawa dahil kung may nakakatawa sana tumatawa rin ako diba? Ang ganda ko talaga.
"Hoy Ayita, kanina ka pa tulala ano bang iniisip mo?" Tanong sa akin ni Gil.
Agad naman akong bumuntong hininga ng muli na naman sumagi sa akin isipan ang tungkol sa evaluation test at ang paghahanap ko ng ka-partner.
"Alam nyo ba ang tungkol sa evaluation test?" Tanong ko at agad naman silang tumango.
"Iyon ba ang iniisip mo? Lahat naman ng tao dito sa Royal Marchand University ay alam ang tungkol sa evaluation test," sabi ni Aria.
"Kinakabahan kasi ako. Alam niyo naman na kayo lang ang kilala kong estudyante dito baka kasi wala akong mahanap na kapartner pagdating ng evaluation," sabi ko.
"Pwede namang tayo-tayo na lang," sabi ni Gil at agad naman siyang tinaasan ng kilay ni Eirin.
"Sure ka diyan mother earth? Hindi biro ang evaluation test. Scholarship ang pinag-uusapan dito at kapag tayong apat ang nagkasama-sama wala tayong mararating," paliwang ni Eirin. Well, tama naman siya.
Naalala ko nung nag group study kami sa bahay ni Aria. Graduating kami nung araw na iyon kaya kaylangan naming mag-aral ng mabuti kaso wala kaming natutunan dahil kwentuhan lang ang nangyari tungkol sa mga crush namin.
Kaya ending pasang-awang grades ang natanggap namin at huling natawang sa stage.
"Sabagay may point ka," sabi ni Gil.
"Talagang may point siya," saad naman ni Aria.
Paano na yan. Tatanggapin ko ba ang alok ni Adrian? Kaso nakakaasiwa kasi ang mukha nung lalaking yun at pwedeng makaapekto sa beauty ko.
"Ayita pasok na tayo 10 minutes na lang magsisimula na ang klase," sabi ni Gil kaya nagsitayuan na kami at inayos na namin ang mga gamit namin at nagpaalam na sa isa't-isa.
Sabay-sabay na kaming pumasok sa elevator. At nang makarating na ako sa aking floor ay pumasok na ako sa room at nagulat naman ako ng makitang nagkakagulo na ang mga classmate ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/227330505-288-k386776.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]
RomanceTHRONE SERIES #1 Her soul belongs to the monarchy, and she is a princess. *** Ayisha Margaux Lopez, better known as Ayita, is a kind young lady that lives life to the fullest. Her parents run a business, and she will soon be in charge of it. They...