CHAPTER III.
[ A/N: Credits to the owner of the photo. Siya ang visualization ko kay Albert slash Alba ]
***
GABI na pero nakadungaw pa siya sa kaniyang bintana at kausap si Alba.
"Diyan ka talaga magii-stay Beastfriend?" Tanong niya sa lalaki na nakaupo na naman sa mataas na sanga ng puno malapit sa kanyang bintana.
Hindi naman kasi sa pagmamalaki, ay kahit nasa bundok siya , ang kanyang barong barong ay may hagdanan at mataas.
" Mas gusto ko na makalanghap ng sariwang hangin at mag- sight seeing ng mga fafa na magtotroso keysa apat na sulok lang ang makikita ko no. " Napairap siya.
Kawawang mga magtotroso pinagnanasaan.
"Pero mabalik tayo doon sa Kuya mo." Tukoy niya. May usapan kasi sila na kapag may crush sila ay sasabihin nila sa isa't isa. Alam nga niya ang secret love nito. Napairap na naman ang binabae sa kanyang mata.
"Duh! Ilang beses ka bang inere ng nanay mo? Oo nga single ang kuya ko, and don't worry sister sagot kita sa kanya. Sini- ship ko kaya kayo. Matagal ka na niyang kilala." Napataas naman ang isa niyang kilay.
" Bakit parang hindi naman niya ako nakilala kanina? Echos ka talaga."
" Anong echos? Totoo nga. Kilala ka niya sa pangalan pero hindi sa mukha." At tumawa ito. Napapadyak nalang siya.
"Hindi kaya na- turn off na iyon sa akin dahil ang yagit ko kanina?" Tanong niya sa kaibigan.
" Hindi ko na problema iyan hahaha." Napairap na siya. Napaka- ewan talaga. "Taga- reto lang ako."
"Pero seryoso bakit walang kasintahan ang kapatid mo? Hindi kaya." Nanlaki talaga ang kanyang mata. "Magka- federasyon kayo?"
Binato siya ng manggang maliit ng kaibigan.
"Gaga. Mas straight pa iyon sa buhok mo. May flings naman pero walang girlfriend." Napatango- tango siya.
"Bakit?" Alba sighed.
"Bata palang ay sinanay na siya para maging kasapi ng Pulitika. Ang route ni Kuya ay Bahay-eskwelahan at klase-libro. Ganyan ka boring." Boring nga pero mukhang nag-eenjoy naman ito sa ginagawa.
" Mukhang okay lang naman sa kanya. " saad niya habang humihikab. Inaantok na rin siya.
"Mahal niya ang ginagawa niya at ang mga nilalang sa Hearth." Tumango siya.
"Matutulog na ako Beast friend. Maaga pa tayo bukas." Kumakamot sa ulong sabi niya. Pero hindi ito sumagot kaya napatingin siya sa sanga.
"May nakita na naman sigurong Fafa na magtotroso." Bigla nalang nawawala, perks of having Super speed.
Noong gabing iyon ay hindi siya nakatulog ng maayos. Parating dumadalaw sa isipan niya ang kapatid ni Alba kaya naman hindi na siya nagulat ng para siyang panda paggising.
'I love pandas pero ayokong maging kamukha nila.' She thought.
"Anong mukha iyan sister?" Pwedeng mag- feeling siya ngayon? Para kasing gusto na niya talagang maging sister si Alba at siya naman ay ang 'Sister-in-law' na ito.
"Kasalanan ng kuya mo ito. Pati sa panaginip ko ay nadalaw." Maaliwalas ang mukhang sabi niya.
"Kadir- dir ka Sasa. Hindi pa nga kayo ay pinagnanasaan mo na ang kapatid ko." Pinahid niya ang laway na natuyo pa LA sa kanyang pisngi. Kagigising niya lang. Kung nakatulog nga ba siya.
"At balahura kang babae ka , may laway ka pa sa labi. Eew!"

BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Vampire Mayor
VampireGiulio Zachariah Almodovar is a pure breed Vampire. He's mysterious, serious and a 100% hotty (body and head). He dreamed to be the mayor of a Vampire city in the North Territory of Hearth. And, he became one after years. According to his people he...