PART 12

221 9 0
                                    

CHAPTER XII.

   NAKALABAS na sa ospital si Sasa matapos ang pitong araw. Pero sa nakalipas na anim na araw, ay hindi na ulit niya nakita si Giu. Napabuntong hininga nalang siya. Bakit ba kasi naging aggressive siya? Baka natakot iyon sa kanya.

"Hoy Sasa." Napahawak siya sa ulo ng batukan siya ni Alba.

"Bakit ka nananakit?" Inosenting tanong niya.

"Bakit ang lungkot ng tingin mo sa mga gulay? Kapag iyan hindi tumubo bahala kang magutom." Banta nito.

Nakasuot ng sleeveless ang lalaki na itim at nakatupi ang jeans na suot. May hawak itong pangbungkal ng lupa at nakasuot ng abanikong sumbrero sa ulo.

"Kasi nga diba sinabi ko na ang kahihiyan ko sa Kuya mo." Napayuko nalang siya at napahawak  sa kanyang kanyang ulo sabay gulo sa kanyang buhok.

Kahit saang anggulo nakakahiya.

"Kalimutan mo na iyon Sa--" Marahas niyang iniangat ang ulo. May benda pa ang kanyang sugat sa leeg pero hindi na masakit.

"Kalimutan? Paano ko kakalimutan iyon kung nasira ang pagkakaibigan namin?" Dahil sa pag- amin niya ay lumayo si Giu.

"Kaibigan nga ba Sasa? Tinuring ka nga ba niyang kaibigan!" Napatigagal siya sa tanong ni Alba. Bumuntong hininga ang kaibigan at naupo sa kanyang harapan.

Nasa upuan sila sa labas ng kanyang barong barong nung oras na iyon at namimitas ng gulay sa kanyang bakuran.

"Inaamin ko Sasa kasalanan ko ng MALAKI kasi ako ang nagpumilit sa iyo na may nararamdaman ang kuya ko. Hindi mo naman ako masisisi dahil sa buong buhay ko ay ikaw palang ang babaeng nilapitan niya at binakuran saakin." Napatingin siya kay Alba. Baka pinaglaruan lang ito ng paningin at malikot na utak.

"Assumero ka kasi." Saad niya sa kaibigan.

"Feelingera ka naman." Balik nito sa kanya. Bagay nga silang magkaibigan kaya sabay ulit silang napabuntong hininga.

"Pasensya na at nagkamali ako sa deduction ko." Tumango siya. Hindi niya pa rin maintindihan ang nararamdaman.

Gulat, sakit at paghihinayang dahil kung hindi sa kanyang katangahan at padalos dalos na desisyon ay hindi siya mapapahiya ng ganun. Ang insidenteng iyon ay ang pumukaw sa isipan niya.

"Sa susunod siguro Alba na may lalaki akong crush at parang may gusto saakin ay sisiguraduhin ko munang parehas kami ng nararamdaman. Simpleng paghanga ang nararamdaman ko sa Kuya mo pero nasaktan ako ng labis. Leksyon na siguro ito na kailangan kong pagisipan ng mabuti ang bawat salita ko kahit pa nakakaramdam ng mabigat na emosyon."

Kung hindi lang din sana siya nakialam sa insi--- No! Hindi naman siya nagsisisi dahil alam niyang nabigyan niya ng hustisya ang babaeng Normalite. Kaso kapalit naman noon ay ang kaligtasan niya.

"Pasensya na Friend. Pero alam mo medyo nagtataka ako kay Kuya. How come na nasabi niya iyon sa iyo?" Gusto niyang tanungin si Alba kung alin doon pero naisip niya ang pinakatumatak sa kanya.

"Truly, I feel sorry right now. Kabayaran na siguro to saakin dahil sa pilit kong pakikimagmabutihan sa iyo. Ginawa ko lang naman iyon dahil akala ko magiging okay kami ulit ng kapatid ko kapag naging kaibigan kita."

"He told me na ginamit niya lang daw ako para mapalapit sa iyo ulit Alberto." Mahinang saad niya. Kaya pala sobrang bait ng lalaki sa kanya at sinabi pa nito ang 'pilit na pakikimagmabutihan' . Plano na pala nito ang tratuhin at magpanggap na mabait sa harap niya. Hindi man lang niya namalayan.

Gentleman Series: The Vampire MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon