CHAPTER XI.
MALAMIG ang Southwest territory ng Hearth nuong oras na iyon. Hindi niya na maalala kung paano nga ba sila napunta doon ng kanyang mga magulang."Ibaba mo na ako Sasa." Mahinang bulong ng kanyang Ama. Payat na payat na ito at may sugat sugat sa katawan halos hindi nalalayo ang kalagayan nila pero bata pa siya. Kaya pa niyang maglakad palayo sa delikadong lugar na iyon kung saan nawala ang Ina.
"Ano ka ba Dada. Malapit na tayo. Kapit ka lang ha?" Huwag mo akong iwan Dada.
Gusto niya sanang dagdagan ang sinabi sa ama pero hindi nalang. She didn't want to think ill.
"Hindi na ako magtatagal anak." Bulong ulit nito. Pahina ng pahina ang boses ng ama dulot ng sugat nito dahil sa mga latigo.
Iniiling niya ang ulo. Hindi pwede.
"Hindi Dada. Diba sabi niyo ilalakad niyo pa ako sa altar? Sino?" Nilunok niya ang invisible na bara sa kanyang lalamunan. "Sino na ang magtatanggol sa akin mula sa bullies?"
Bumuhos ang kanyang luha kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Dahil sa tubig ay lumuluwag ang hawak niya sa ama kaya napapatigil siya upang ayusin ang pagkakakarga nito sa kanyang likod.
"Papanoorin pa rin naman kita anak. Hindi nga lang kita maiilalakad." Naramdaman niyang hinaplos ng ama ang kanyang ulo gamit ang halos buto na nitong kamay. Naka- piggy back ride sa kanya ang lalaking nagbigay buhay sa kanya, buto't balat at nanunuyo ang balat.
"Huwag ka namang magsalita ng ganyan Dada. Iniwan na ako ni Mamí. Huwag naman pati ikaw." Ang ama nalang ang meron siya ngayon kaya ipaglalaban niya ito. Balewala ang pagkakasagip sa kanya kung hindi niya maiiligtas ang natitirang pamilya.
" Hayaan mo na akong mamahinga anak, please. Pagod na ang Dada. Pagod na at hindi na niya kayang huminga. " Napatigil siya sa paglalakad. "Ibaba mo na ako anak."
"Patawad Dada kung pinapahirapan kita." Sinunod niya ang gusto ng ama. Nakikita niya ang masaganang pag- agos ng dugo ng ama mula sa tagiliran. Tinignan niya ito sa mga mata habang lumuluha parin.
"Bakit hindi mo sinabi saakin ang sugat mo Dada?" Ngumiti ito ng malungkot sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.
"Mawawala lang ako sa mundo na ito Sasa pero babantayan kita kasama ang Mamí mo. Kaya gusto kong mabuhay ka. Sikapin mong mabuhay para saamin anak." Itinango niya ang kanyang ulo.
"Salamat sa pagiging mabait mong anak saamin Sasa. Ito na siguro ang huling masasabi ko ang mga katagang: " Proud ako sa mga nagawa mo anak." At "Ipinagmamalaki kita."
"Kung mapunta man siguro tayo sa ibang dimensyon at ibang kalagayan ay pipiliin ko paring maging anak ka." Mas bumuhos ang luha niya habang unti- unting ihinilig nito ang ulo sa isang puno.
"Mag-iingat ka parati Sasa at paalam." Kasabay ng pagtama ng isang kidlat ay ang pagkasaksi niyang malagutan ng hininga ang kanyang ama. Wala na. Wala na siyang mapagsasabihan ng problems niya. Wala na ang taong tumuturing sa kanyang prisnsesa sa kabila ng marahas na pagtrato sa kanya ng nasa paligid.
May ngiti at payapa ang nakapikit na mata ng kanyang ama pero taliwas noon ang kanyang nadarama. Dinaya ata siya ng pagkakataon. Bakit ang dalawang tao pa na pinakaimportante sa kanya. Isang sigaw na pagtatangis ang pinakawalan niya habang nasa harap ng walang buhay na katawan ng ama."Matuto kang pahalagahan ang iyong buhay anak." Iyon parati ang sinasabi ng kanyang ina habang sinusuklay ang kanyang buhok pero nawala rin ito ng araw na iyon. Sa mga kamay niya ay napagmasdan niya din ang naghihingalong ina na pawian ng buhay.Gutay gutay ang katawan nito dahil pinagbabali ni Mordecai.
BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Vampire Mayor
VampireGiulio Zachariah Almodovar is a pure breed Vampire. He's mysterious, serious and a 100% hotty (body and head). He dreamed to be the mayor of a Vampire city in the North Territory of Hearth. And, he became one after years. According to his people he...