CHAPTER XXIII.
BREATHLESS si Sasa habang karga siya ni Giu ng bridal style. Mabilis itong tumatakbo palampas sa mga puno.
" Hold on more Cara. " Mas napahawak pa siya ng mahigpit ng tumalon si Giu mula sa isang puno papunta sa isa. "Phew~ That's awesome."
Masaya ito at nagliliwanag ang mga mata. Iyon ang napapansin niya habang nakatitig siya kay Giu at ng bigla itong napatingin sa kanya ay naalarma siya at lumuwag ang hawak niya sa leeg nito. Ibinaling niya agad ang kanyang mukha sa likuran pata iiwas ang mga mata sa lalaki.
"Hold me tighter Sasa. I might lose it." Naibalik niya ang tingin sa lalaki na siyang nagsabi nun. He is breathless too , napapagod na kaya ang lalaki?
"If you're tired you can let go of me." Malamlam ang mata na tinignan siya nito.
"Never. Never again." Gusto pa sana niyang isipin ang sinabi nito pero nakarating sa sila sa kanyang inn. Gawa sa kahoy ang mga inn at tabi- tabi ang mga bahay kaya halos mabali ag leeg ng mga kapitbahay niya na hindi naman niya kilala.
Pero sikat si Giu kaya marahil ay kilala ng mga ito ang binata.
"Y- you can let go of me now Giu." Nahihiya niyang sabi. Magdadalawang minuto na kasi pero nasa mga braso pa rin siya ng binata.
"Just open the door." Utos nito.
"Kaya nga ibaba mo ako para mabuksan ko ang pinto." Sabi niya but the man is stubborn. Napalunok tuloy siya ng ngumisi ito. Pisti ang gwapo ni Giu habang nakangiti at nasa ilalim ng snow.
" I don't wanna let you go --" Nakangiti nitong sabi na waring iniinis siya. Nawala na nga ang inis niya sa lalaki kanina pero binabalik naman nito.
"Giu ano ba!" Iginalaw galaw niya ang mga binti para bitawan siya nito. Nakakahiya na kaya ang posisyon nila at nakikita pa niyang napapailing nalang ang mga viewers na kapitbahay niya.
"You two should go inside." Sabat ng malamig na boses na iyon. Commanding na para bang tatay ito at may nakitang kasamang lalaki ang anak kaya napalingon siya.
"T- Tristan." Humihikab ang twelve years old niyang anak- anakan at nakapameywang sa hamba ng pintuan.
"It's cold outside." Sabi niya at nagmamadaling tumayo sa sariling paa. Hindi niya masulyapan si Giu dahil nahihiya siya sa scene na iyon. "Pumasok ka na Trist."
Nag- shrugged ang little monster niya at pumasok. Napabuntong hininga nalang tuloy siya. Tiyak kasi na mahaba- habang paliwanagan iyon. Tsk. Hindi man humihingi ng explanation sa kanya ang bata ay gusto niyang sabihin na wala lang ang ginawa ni Giu.
Tinulungan lang siya nitong makauwi agad.
"Go away now Giu. Umuwi ka na." Hindi tumitingin sa lalaki na sabi niya. Tumalima naman ang lalaki at naglakad.
"Goodby--" Napataas ang kanyang mukha dito ng hawakan nito ang ibaba ng kanyang mukha at pinatunghay siya.
"There's no goodbye for us instead I will be back." Kung gaano kabilis itong tumakbo ay ganun rin kabilis na nanakawan siya nito ng halik. Halik sa pisngi.
Hindi man pang siya nakaalma dahil wala na ang lalaki. He run and jump to houses and trees. Napakagaling.
She can jump from houses to pero taas patungong baba but vampires like him can jump from bottom to top at vice versa.
Teka ano ba iyang iniisip niya. Ipinilig niya ang ulo at tinignan ang paligid. Parang nag- grand entrance lang sila ni Giu dahil lahat ng camera este mata mapa- babae, lalaki at matanda man ay nasa kanila na ngayon ay nasa kanya nalang dahil umalis na si Giu. Dapi- dali siyang pumasok sa loob ng kanyang inn dahil sa hiya. Good thing she's leaving tomorrow pa- Norte. Isang malalim na hininga ang kanyang ginawa at inayos ang sarili.
BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Vampire Mayor
VampireGiulio Zachariah Almodovar is a pure breed Vampire. He's mysterious, serious and a 100% hotty (body and head). He dreamed to be the mayor of a Vampire city in the North Territory of Hearth. And, he became one after years. According to his people he...