CHAPTER XIII.
BITBIT ang kanyang malaking bagahe ay tinanaw niya ang kanyang bahay. Nakakalungkot dahil iiwan niya na ulit ito.
"Bakit ka ba umiiyak Alba?" Tanong niya. Iyan tuloy ay umaagos din ang kanyang luha.
"I can't see you everyday like I used to." Isang butil mula ang nahulog sa kanyang mga mata bago niyakap ng mahigpit ang kaibigan.
Ang nagiisang nilalang na nakasama niya mula ng mag-isa nalang siya sa Hearth. Ang taong nakasaksi sa pagdadalamhati niya nuong mamatay ang pamilya niya. At ang nag-iisa niyang pamilya na iiwan niya pa.
"Ano ka ba. Makapagsalita ka ay parang hindi na ako babalik. Huwag kang mag-alala hmm?" Umiiyak man ay hinawakan nito ang kanyang bag.
"Kumain ka ng madame ah? Alam ko na ang tagal mo magising at wala ako dun para ihanda ang agahan mo. Huwag mong pabayaan ang sarili mo Sasa at huwag kang papaapi. Wala doon ang ultimate bestfriend mo para ipagtanggol ka." Humahagulhol na saad nito. "Ano bang gagawin ko sayo kaawa awa kong kaibigan? Bakit ba napakasakit at hirap ng pinagdadaanan mo?"
Akala niya ay ang makita ang ibang tao na umiiyak ang pinakamasakit na pagmasdan bilang siya, pero mas masakit ang makita na ang lalaki mong best friend ay iiyak dahil hindi ka na niya makakasama sa eskwelahan at makabonding hanggang uwian.
"Babalik ako pangako. Hintayin mo ako ha? Huwag kang magkakaroon ng ibang best friend pag wala ako Alberto. Magtatampo ako."
"Ikaw ang mangako na babalikan mo ako. Babalik ka sa lugar na ito dahil nandito ang ala-ala mo sa pamilya, saakin at isama mo na si Kuya." Napatawa uli siya ng mahina. Kahit kailan talaga inaalala nito ang kapatid.
"Mangako ka na sabay nating susuportahan si Kuya once maabot niya na ang pangarap niya." Itinango niya ang ulo. Nangako na siya noon at tutuparin niya iyon. "Inaamin ko kahit binasted ka na niya ay gusto ko pa ring magkatuluyan kayo at iyon ang panalangin ko sa Underground Goddess."
Napangiti siya ng malungkot. Hindi na siguro siya susugal kay Giu. He can be her friend but they can never be lovers. Hihilain niya lang ang lalaki pababa.
"Tara na Sasa. Tama na ang drama dahil baka gabihin ka sa pagtawid sa boarder." Maraming tambay sa boarder ng North territory at East Territory na gusto niyang puntahan. Mahigpit ang seguridad doon kaya kahit papaano ay ligtas siya.
Hindi kalakihan ang kanyang dalang gamit na si Alba ang may dala. Pagkabukas niya ng pinto sa kanyang barong- barong ay sumalubong ang malamig at madilim na kalangitan sa kanya.
"Uulan na naman ba?" Pati ba naman sa pagalis niya sa bahay ay mukhang iiyak pa ang langit. Nakikisimpatya ganun?
Napatigil siya sa paglabas ng may pumigil sa kanyang palapulsuhan. It's her friend na nakangiti ng malungkot pero hilam ang mga mata sa luha.
"Huwag ka ng umiyak Alba. Ikaw ang inaalala ko. Baka magdamdam ka na naman kapag wala na ako. Ayaw kong malungkot ka. Lahat ng bilin mo saakin ay balewala kung hindi mo gagawin sa sarili." Sermon niya sa lalaki.
"Huwag kang mag-aalala. Iingatan ko ang aking sarili saan man ako mapunta." Tumango siya. Mabuti naman at mapapanatag siya.
"But can I have a request before ako umalis Alba?" Tumingin ito sa kanya ng nagtataka kaya ngumiti siya.
"Let's visit your brother. Bukod saiyo ay siya ang pangalawang tao sa North Territory na kaibigan ko. I want to see him for one last moment please. Baka kasi pagbalik ko ay hindi ko na siya basta basta malalapitan." Nakita niyang nangislap ang mata ng kaibigan. Number one supporter nga pala ito ng one sided crush niya kay Giu.
BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Vampire Mayor
VampirosGiulio Zachariah Almodovar is a pure breed Vampire. He's mysterious, serious and a 100% hotty (body and head). He dreamed to be the mayor of a Vampire city in the North Territory of Hearth. And, he became one after years. According to his people he...