CHAPTER XXXII.
NAGLALAKAD papalapit sa kanila si Grandmy na dala- dala ang kanyang tungkod. Lahat ng madaanan ng matanda ay puno ng mga katawan ng Rouges at blackguards pero isa- isa ang mga iyon na naglalaho. Hindi pa nila sinusunog ang mga katawan pero parang liwanag ng araw ang dala ng katawan ni Grandmy. Lahat ng malapit dito ay nasusunog at nagiging abo.
"Please Cara. Ano ang gagawin ko para matanggap mo uli ako Sasa?" Tanong sa kanya ni Giu habang naluhod pa rin.
Hindi niya magawang mag- concentrate sa mga sinasabi nito habang papalapit sa kinaroroonan nila ang Abuela.
"Tumayo ka na Giu " Sabi niya habang hindi ito tinatapunan ng tingin. Napatingin na rin si Grandmy sa lalaki na tumayo at ngayon ay nakayakap na sa kanya.
Hindi man lang ba nito nahahalata na may nakamasid na sa kanila at paparating na sa kanilang gawi?
"Please Cara ---" Natigil ito ng tawagin ni Grandmy.
"Mayor Almodovar " Alam niyang narinig iyon ni Giu dahil napatigil ito sa pagsasalita at dahan- dahang napatingin sa matanda na kanina pa pala nanonood sa kanila.
"Lucia " Tignan mo itong lalaking ito. Wala man lang galang.
"Grandmy " Tawag niya sa matanda na idinipa ang mga braso para mayakap niya.
"I didn't know that you'll go this far." Nakangiti at waring matatawa na sabi ni Grandmy pero wala man lang expression ang lalaking bampira na nasa harap nila.
"B- bakit po kayo narito Grandmy?" Kahit alam na niya ay nagtanong pa rin siya. Wala lang, kinakabahan lang siya kaya naghahanap ng masasabi.
" I know what you did sa hotel " Kahit na nakangiti ito ng malamlam ay nakita niya sa mga mata nito ang lungkot.
"Anong ginawa niya Luci---" Itinapat ni Grandmy ang tungkod sa binatang Almodovar.
"Gumalang ka saakin Vampire Mayor. Baka hindi ko pahintulutan na ika'y makasal sa aking apo." Napangiti siya ng lihim sa sinabi ni Grandmy. Kahit naman wala na ang kanyang totoong pamilya ay malaki ang pasasalamat niya kay Grandmy. Ito kasi ang nasilbing Godparent niya at Lola. Parating nakabantay at itinutuwid ang pagkakamali niya.
"Pasensya na po ..." Nakayukong paumanhin ni Giu.
"Good. Call me Grandmy from now on. Mas matanda ako sa inyo ng di hamak at mas makapangyarihan." Malditang sabi ni Grandmy.
Tumango nalang sila ni Giu. Walang asawa o kaya nobyo si Grandmy kaya parati niya noon na hinihiling sa Deities na bigyan ito pero paano naman ito magkakaroon ng kabiyak kung sobrang sungit sa mga lalaki.
"Grandmy about my punishment---" Pinigilan siya ni Grandmy sa pamamagitan ng pagsulyap.
"Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan natin ang tungkol diyan." Iginalaw nito ang tungkod na dala at sa isang iglap ay nakarating sila sa Hotel ni Giu.
"Ituro mo saakin ang pinaka- safe na lugar. Iyong walang elemento ang kayang marinig ang pag-uusapan natin." Seryosong utos nito kay Giu bago siya inakay ng Abuela.
BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Vampire Mayor
VampireGiulio Zachariah Almodovar is a pure breed Vampire. He's mysterious, serious and a 100% hotty (body and head). He dreamed to be the mayor of a Vampire city in the North Territory of Hearth. And, he became one after years. According to his people he...