PART 22

244 6 0
                                    

CHAPTER XXII.

  NAKAPASOK na siya sa bahay ng Almodovar and so as Giu pero hindi niya ito magawang tignan na napansin ata ng mga kasama nila.

"Hoy Beh!" Napatingin siya kay Beanca na siyang tumabi sa kanya ng upo. They're gathered here sa sports room ng mga Almodovar and the boys are playing billiards.

"Bakit?" Walang gana niyang tanong kay Beanca.

"Ay hindi mo napansin na tinawag kitang Beh?" Napatirik nalang ang mga mata niya.

"Hindi iyan ang gusto mong itanong Beh. Ano nga?" They're whispering to each other kahit alam naman niyang naririnig sila ng mga tao sa loob. They're Halfbloods and Pure bloods after all pero dahil busy nga ang mga nilalang na tsismoso kaya confident siyang bumulong. Isa pa maingay din sila kaya hindi naman siguro kayang magmulti- task ng mga socially aware kuno na mga ungas.

"Lovers cold war kayo ni Mayor?" Kuryusong tanong ni Beanca.

"We're not lovers." Nagtatampo kasi siya kay Giu. All that Alba wants and thinks kahit pa nga nasa kabilang buhay na ito ay ang kapatid pero sinisiraan pa nito ang pumanaw na kaibigan niya.

"Pero inaamin mo na may cold war nga kayo? Ay akala ko ba close FRIENDS kayo." Magkaibigan daw kami. Siguro and that's okay for her too kahit na may kaunting pagtutol sa kaloob- looban niya.

"Close friends also fights." Buntong hiningang sabi niya. "Aray!"

Kinurot kasi siya nito sa tagiliran.

"Ano na naman ang ginawa mo kay Mayor? I know you may kamalditahan ka sa katawan. At sinampal mo pa siya noh?" Ngumuso siya at tumango.

"Pero paano mo nalaman?" Nagdududa niyang tanong. "Pinanuod mo kami sa dalampasigan?"

Nagpeace sign ang ungas niyang kaibigan na ikinasingkit ng mata niya.

"Nawala kasi kayo Beh. Akala ko nag-mochi mochi na kayo sa warm place." Sabi nito na ikinapula niya. "Tiyak kong hindi ka maiinitan sa warm place Sasa kasi diba vampires are as cold as ice?"

Namula siya sa tudyo ng kaibigan dala ng pagkahiya. Hindi naman totoo ang naiisip nito.

"Manahimik ka nga! Anong warm place tsk." Pairap niyang sabi.

"Sus! If I know gusto mo rin iyan." She shot a glare towards Beanca na nakasuot man ng panglalaki ay may pagkadilag parin ang ginagamit na boses.

"Hindi ka--" Pinigilan siya nito gamit ang kamay.

"Manahimik ka. I know you kahit araw- araw tayong nagbabangayan. You liked Mayor Giu." Idiniin nito ang huling sinabi.

"Liked?" Tanong niya para kumpiramahin kung tama ba ang kanyang narinig.

" As to my deduction, May gusto ka kay Mayor noon." Tumaas ang kilay niya.

"Paano mo naman nasabi?" Tanong niya.

"Kasi Beh I can see the way you look at him." Sabi nito.

"Pinaglalaruan ka lang siguro ng mata at isip mo." Kaila niya. Masyado ba siyang halata?

"Of course not Sasa. I knew what I saw. At ang sabi nga noon sa nabasa kong libro na 'Zalpha Bri Sorority ni Iamyourlovelywriter ': Don't underestimate the eyes of a bystander." May paturo- turo pa nitong sabi sa kanya.

"Bystander ka man, halata naman. At sa pagiging tsismosa mo ay kung ano- ano ang napapansin mo." Sabi niya matapos bumuntong hininga.

"Pero sabihin mong mali ako?" Hamon nito sa kanya na ikinailing ng kanyang ulo.

Gentleman Series: The Vampire MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon