CHAPTER XV.
NAPAKALAMIG ng hangin sa tabing dagat ng East Territory. Niyakap ni Sasa ang kanyang sarili habang hinihintay ang paglubog ng araw.
"Sasa hija?" Napalingon siya kay Mang Cardo na may bitbit na mga isda. Kadarating lang ata nito mula sa pangingisda.
"Magandang hapon Mang Cardo." Bati niya sa matanda. Again, ay nginitian ulit siya nito ng malungkot. Marahil ay nabasa nito ang tamlay at pighati sa kanyang boses.
"Malamig dito sa tabing dagat hija. Lalo pa't ito ang pangatlong araw ng taglamig. Inaasahan na ngayon ang simula ng pagulan ng nyebe." Nababasa niya ang pag-aalala sa mukha ni Mang Cardo kaya para mapanatag ito ay sinigurado niyang magiging maayos lang siya.
"Tatanawin ko lang po dito ang paglubog ng araw Mang Cardo. Papasok rin ako maya- maya." Sabi niya.
"Sigurado ka ba?" Tanong nito na tinanguan niya.
"Kayo po ang pumasok dahil baka pagod po kayo galing sa pangingisda." Tumango ang matanda bago nagpaalam sa kanyang pumasok.
"Mayamaya ay ipapatawag kita kila Dylan at Norse para kumain na tayo. Mukhang makikisabay sa atin si Lady Lucia. " Sabi nito at tuluyan ng naglakad palayo at papasok sa kabahayan nito.
Muli ay malungkot niyang tinanaw ang dalampasigan at ang repleksyon ng araw dito.
"Kaarawan ko ngayon Alba." Bulong niya sa hangin habang naguumpisa na namang tumulo ang kanyang luha.
Mas nagsi- unahan pa itong tumulo ng makaramdam siya ng malamig na malamig na hangin na tila yumakap sa kanya.
"Miss na miss na kita Alberto Norman 'Alba' Almodovar" Bulong niya sa pagitan ng paghikbi.
"Ikaw sana ang gumagawa ng make up ko ngayon." Nanghihina ang kanyang mga tuhod kaya naisipan niyang umupo.
"Sabay sana natin hinihintay ang pagbuhos ng nyebe pero ngayon ay ako nalang ang gagawa nun." Isang butil ulit ang tumulo na kanyang mabilisang pinahid.
"Kung nasaan ka man Alba sana ay nakikita mo ako ngayon." Mag-isa nalang siya at malungkot, napakadaya ng kanyang nagiisang kaibigan dahil iniwan pa talaga siya.
"Sabi ni Mang Cardo ay nabaliw daw ako ng isang buwan. Bakit hindi pa ako natuluyan Alberto? Kahit sana man lang doon, ay nakakasama at nakakausap kita. Hindi tulad ngayon na hangin nalang ang kasangga ko sa lahat ng sakit."
Isang magaan na yabag ang kanyang nadinig kaya nagmadali siyang punasan ang kanyang mga luha. Baka si Dylan at Norse na iyan.
"Dylan, Norse susunod nalang ako. Hindi pa ako gutom." Sabi niya habang hindi ito tinitignan.
"Masamang magpalipas ng gutom birthday girl." Tila tumigil ang kanyang paghinga at marahas niyang nilingon ang nagsalita.
"G- giu?" Malaking- malaki ang kanyang mata sa oras na iyon siguro. Hindi niya inaasahan ang presensya ng binata. Alam nito na nandito siya sa East Territory? Paano?
Mabilis siyang napatayo ng makita ang mukha ng lalaki. Kung puno ng authority ang mukha nito noon na mangingilag ka ay ngayon literal na lalayo ka talaga dahil nakakatakot ang tingin nito sa kanya.
"A- anong ginagawa m-mo d- dito?" Humakbang siya patalikod ng mapansin na humakbang ito papalapit sa kanya.
The man in front of her is sinfully handsome but dangerous and scary. Isang hakbang pa ulit ang ginawa nito kaya napahakbang din siya. Palapit sa malamig na malamig na tubig pero binalewala niya iyon. Kinakabahan siya sa presensya nito.
BINABASA MO ANG
Gentleman Series: The Vampire Mayor
VampirGiulio Zachariah Almodovar is a pure breed Vampire. He's mysterious, serious and a 100% hotty (body and head). He dreamed to be the mayor of a Vampire city in the North Territory of Hearth. And, he became one after years. According to his people he...