Epilogue

661 10 0
                                    

FINAL CHAPTER.

 

  SOBRANG saya at nakakataba ng puso na yung mga oras na akala niya ay nag-iisa lang siya ay may isang tao pala na nag-aalala sa kanya. Nakakagat nalang tuloy niya ang dila niya dahil sa kilig.

"Aren't you going to sleep?" Pa- cute na nag- angat siya ng tingin kay Giu. Nakahiga siya sa dibdib nito para sana matulog habang ito naman ay hinahaplos ang buhok niya.

"Hindi na ako inaantok." Pabebeng sabi niya. "Patulugin mo nga ako."

Ngumiti ang lalaki samantalang gumapang naman siya para pagtapatin ang mukha nila.

"How would I do that hmm?" Tanong nito habang inilalagay sa likod ng tenga niya ang mga takas na buhok na tumatabon sa kanyang mukha.

"Paano nga ba?" Nakangiti rin niyang tanong. Para silang mga tanga , nagngingitian at halata na masaya sila.

Pero may label ba?

"I want you to meet my family soon Cara. And ipakilala ka sa City bilang pinaka- importanteng tao sa akin." Sabi nito habang humahaplos sa gilid ng labi niya. Ang mga mata nito'y nakatutok sa mga labi niya kaya napapalunok tuloy siya ng sunod- sunod.

"What if they don't like me? Normalite ako Giu. No powers, ano ng mangyayari sa future ng mga bampira?" Nag-aalala niyang tanong. Ngayon lang kasi iyan sumagi sa isip niya.

"Future? I'm still a vampire and you're still a Normalite. Our children will be half vampires. Half bloods with a gorgeous Mom and Dad." Tinusok tusok pa nito ang pisngi niya.

Ene be? Beket perete nitong alam ang dapat sabihin para maging masaya siya? Hindi niya tuloy masyadong inaalala na wala muna siyang trabaho ngayon. Basta kasama niya ang Mayor niya, kaya niyang labanan kahit sino. 

"Giu --hmmn" Tatanungin niya sana kung ano ba ang relasyon nila pero sinalubong naman siya ng mainit nitong halik.

Nakahawak ito sa kanyang bewang habang nakatukod ang mga braso niya sa matigas nitong dibdib. Eerr~ Yummy! Iba ang halik na pinagsasaluhan nila ngayon, lubhang mas mainit. Mapanggalugad at ang mga kamay nito ay nagiging malikot sapagkat kung saan- saan humahaplos.

Hinihingal na tumigil at bumitaw ang lalaki sa halikan. Gaya nuong Una, nagpipigil. She smirked.

"Why?" Kalaunan ay tanong nito. Hindi pa rin siya nagmumulat ng mga mata at nakangiti siya.

"I know what you're doing." Sabi niya pagkatapos ay tinignan ito. Nakita niyang tila nahiya ang lalaki kaya hinaplos niya ang mukha nito na kay kinis at kay lamig.

"I- I'm c-controlling m- myself ..." Sabi nito na tinanguan niya.

"Pakita ng pangil." Request niya habang hinahaplos parin ang mukha nito. Ginawa naman ng lalaki pero nagsalita pa rin.

"Gusto kong birhen ka na maglakad sa altar Cara. Gusto mo ba iyon?" Tanong nito habang may kaba sa mukha?

Tinaasan niya tuloy ito ng kilay. Sobrang saya niya nga na nagpipigil ang Vampire Mayor niya dahil alam niyang kapag naging seductive lang ito ay tiyak niyang maibibigay niya talaga dito ang bulaklak.

"Oo naman no." Tinangka niyang umalis mula sa pagkakadagan dito pero hinila lang siya ng lalaki papunta sa katawan nito ulit. Idiniin pa siya dahilan kung bakit naginit ... Ang kanyang mukha.

"Where are you going? Stay with me. Paplanuhin natin ang kasal natin." Sabi nito habang nakakunot ang noo. Para namang may dumaang kidlat na dahilan kung bakit na- shock ang kanyang puso.

Gentleman Series: The Vampire MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon