PART 29

247 5 0
                                    

CHAPTER XXIX.

   
   NAIIYAK si Sasa habang isa- isang binubuklat at binabasa ang diary ni Alberto Norman Almodovar. May nakapinid na papel sa harap ng diary saying na kung mawala man ang lalaki ay ibigay ito ni Giu sa kanya.

"Why are you crying Mamí?" Tanong ni Tristan na siyang tumabi sa kanya. Sobrang lungkot ng kanyang nararamdaman na gusto niya ng may makakapitan.

"Payakap my little shanak." Lumapit naman sa kanya si Tristan at iniyakap nito ang maliliit na braso sa kanya.

"Sinaktan ka ba ni Dadí? I'm gonna punch him. He's not true to his promise." Nagulat man sa outburst ng anak ay iniiling niya ang kanyang ulo.

"No baby. It's the other way around."

"He made you happy?" Nagtatakang tanong ni Tristan na siyang tinanguan.

"He made me very happy today." Nag- confess kanina si Giu sa kanya at nakita niya kung paano nito pamahalaan ang nasasakupan. Naantig pa nito ang kanyang puso dahil talagang malapit ang binata sa mga bata. No wonder madali nitong napaamo ang kanyang anak.

"Then why are there unshed tears in your eyes?" Parang matanda nitong tanong at iniangat ang kamay para pahiran ang malapit ng tumulo na luha sa kanyang mga mata.

"Baby you know the reason why I'm not really affectionate to Giu right?" Buntong hininga na tumango ang anak.

"Yes. You never lied to me. I know all the happenings in your life Mamí. Past and Present."

"And I just found something Baby " Naiyak siya. Hindi niya alam kung paano nagawa iyon ni Alba.

"Ayaw kong mapalapit sa mga Almodovar dahil alam ko na kahit hindi nila ako sisihin ay ang sarili ko mismo ang magpapahirap sa akin. Kinaibigan ko kasi si Alba kaya nadamay ito sa kamalasan ko." She's happy na nakikinig sa kanya si Tristan. Gaya noon, ang batang ito lang talaga ang hingahan niya ng problema.Alam naman niyang masyado pa itong bata para sa drama niya sa buhay pero mautak ito. Gagawa at gagawa ng paraan para malaman ang nasa isip niya.

"And what Mamí? Did he confess? You love him right?" She nodded.
     
"I do love him. Pero may nalaman ako baby which made my heart break." Takang tumingin sa kanya ang kanyang anak.

"Iyong akala kong tunay na kaibigan ay siya pang trumaydor saakin." Ang sabi niya. Narinig siguro ni Beanca ang kanyang ngawa dahil namalayan niya na lang na may kumatok sa kanyang kwarto na mabilis naman na binuksan ng kanyang anak.

"Sasa?" Tanong ni Beanca. Umiiyak na humarap siya sa kaibigan. "Bakit ka umiiyak?"

"May nalaman ako ngayon Beanca " sabay pakita niya sa diary na kanyang hawak.

"Huh? Kanino iyan? Bakit ang chaka ng hitsura? Andameng feather feather. Yuck!" Hindi man niya gustong matawa ay napangiti siya kahit hilam sa luha ang kanyang mata.

"Sira ka! Kapag minulto ka ni Alba bahala ka. Bampira pa naman iyon at kadugo mo, berde." Umismid naman ang pangalawang binabae niyang kaibigan.

"Oh anong nalaman mo sa shokla mong friend?" Naubo siya. Napatingin siya kay Tristan na nakahiga sa tabi niya. Nasa likod nito ang dalawang kamay at ginamit nitong unan.

Gentleman Series: The Vampire MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon