PART 30

274 10 0
                                    

CHAPTER XXX.

    
   PUNO ng pagsisisi ang mukha ni Giu habang walang tigil kakasuntok sa kanyang binti.

"F*ck you Giu!" Mura niya sa kanyang sarili. Pikit mata niyang isinandal ang kanyang katawan sa sofa ng bahay ni Klein at bumuntong hininga.

Inis na sinipa niya pa ang semento na muntik ng ikasira nun.

"Calm down, you hot headed Mayor!" Saway sa kanya ni Klein.

"How can I? Nawawala ang pinakamamahal ko!" Nag-iinit talaga ang kanyang ulo. Siya iyong klase ng lalaki na kapag mainit at galit siya ay damay ang nakapalibot sa kaniya.

"Nakidnap ba siya?" Tanong uli ni Klein.

"Hindi" Sagot niya at sinuntok na naman ang kanyang binti. Gusto niyang magwala, pero basag na lahat ng gamit sa kanyang kwarto.

"Tapos ka na? Ako naman ang susuntok para masakit." Sarkastikong sabi ng ungas na Alpha ng Soft stone pack. Pinuntahan niya ito sa ngayong gabi.

"She left me." Malungkot niyang sambit.

"D*mbass! Binulabog mo ako sa oras ng pamamahinga para lang sabihin na iniwan ka ni Sasa? Bakit naging kayo ba ulol ka?" Galit siyang napaayos ng upo at tinignan ng masama si Klein na  magkasalubong ang kilay at nakadekwatro.

"She kissed me back and kissed me on my cheeks kaya may nararamdaman siya saakin." Inis na ihinilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha habang problemado pa rin na nakatingin sa Alpha.

"Dakilang Assumero ng taon. Ang pota!" Nakaani ulit ng masamang tingin sa kanya ang gusot na mukha ni Klein.

"Bakit ka ba galit? Nabitin ka ba?" Tinignan siya ni Klein ng walang emosyon na waring nagsasabi na 'Ano sa tingin mo?'

He sighed pero nagpatuloy ulit sa pagsasalita. Damay- damay  na ito. Hindi siya makatulog sa pag-aalala at takot na hindi na siya balikan ni Sasa kaya wala siyang pake kung may maistorbo siyang iba.

"Bakit ba kasi naisipan kong pasabayin sa elevator si Darlene? Hindi sana kami nakita ni Sasa." Lugong- Lugo na sabi niya.

"Did you kiss her back?" Napatingin siya sa Luna ng Soft Stone na seryoso din na nakatingin sa kanya. Na- istorbo niya rin kasi ang tulog nito. Tahimik lang ito at sumisipsip ng tea , si Klein lang ang halos binudburan ng asin. Tsk.

Eskandaloso.

"I ... Did but stopped myself dahil hindi siya si Sasa. Hindi iyon ang halik ng mahal ko." Sabi niya. Ilang ulit niya na rin hinugasan at sinabunan ang bibig niya para kapag nagkita sila ni Sasa ay malinis na siya. Walang germs na nakakapit , 99.9% clear.

"Excuses mo." Sabi ng Luna.

Galit na tinignan siya ni Taylor sa mga mata. Napalunok nalang tuloy siya. Why do kind girls are very scary when they're mad?

"Labis mong nasaktan si Sasa Mayor." Panimula ni Taylor. "Naguguluhan siya sa nararamdaman niya sa iyo dahil sa mga sinabi mo sa kanya noon. She had a lot of trust issues. Ngayon naman sa ginawa mo ay parang niloko mo lang ulit siya. A true lover doesn't kiss another woman in the lips Mayor. That's cheating."

"I felt really awful." Padabog na tumayo si Taylor sa kinauupuan.

"Mabuti nga at iniwan ka tsk. Cheater!" Umalis na ito pero ang mga sinabi nito ay nanuot sa kanyang puso.

Gentleman Series: The Vampire MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon