PART 25

274 5 0
                                    

CHAPTER XXV.

(A/N: Another pic ni Mayor na may sumbrero)

   MASAYA, malungkot at pagka- miss, iyon ang nararamdaman niya nuong mga oras na iyon.

"Ito naba ang Norte?" Narinig niyang bulong ni Beanca habang lulan sila sa sasakyan niya.

"Yes. Pero marami na ang nagbago." Kung high- tech ang East ay mas high tech dito sa Norte. Marami ang sasakyan, establishments pero napanatili naman nila ang mga kagubatan.

" Pero naanatili nila ang mga bundok at ang ganda ng katubigan." Tumango siya sa sinabi ni Beanca.

"Malaki ang parte ng kagubatan sa ating buhay, halfbloods or pure bloods at kahit nga kaming Normalites kaya papanatilihin talaga natin ang kagubatan." Tinignan niya si Tristan sa backseat na natutulog. Mukhang napagod ito sa byahe. Hapon narin kasi. Bumuntong hininga siya ng makita niyang papasok na sila sa isang hotel.

"Bakit naghotel pa tayo Sasa? Hindi ba sabi mo ay may bahay ka naman dito?" Malungkot niyang tinanaw ang nasa labas.

" Hindi ko pa napupuntahan ulit iyon kaya hindi ko alam kung nakatayo o malinis pa ba iyon." Sabi niya kay Beanca.

"Ay ganun? Gusto ko sana makita kung saan ka lumaki. Hays." Nang itigil nito ang sasakyan sa garahe ay lumabas agad siya. She became tired all of a sudden.

Naaalala niya na hindi pa naitayo ang Hotel na ito limang taon ang nakakaraan. Hindi pa ganito kadami ang sasakyan.

"Let's go?" Tanong ni Beanca na tinanguan niya. Nakapanglalaking damit parin ito kaya naman hindi niya masisi ang mga babaeng halos maglaway na sa binabaeng kasama.

"Beh!" Tawag niya dito. Lumingon sa kanya si Beanca samantalang iniwas naman ng mga babaeng nakatitig kay Beanca ang paningin nila.

Oops. Mukhang napagkamalan silang mag-asawa lalo pa't ito ang may dala kay Tristan na tulog.

"Oh?" Sinundot niya sa gilid ang kaibigan.

"Napapansin ko na nagiging lalaki ka na nitong mga nakaraang linggo. Ano Beh may pag-asa ka nang maging Adonis?" Nakangisi niyang tanong na inismiran nito.

"Akala mo lang iyan Sasa. Adonis ang katawan ko pero kapag napapatingin ako sa ibang Adonis ay pumipintig ito." Sabay turo ni Beanca sa kanyang puso.

"Pero you're attracted to some girls right? Lalo na sa mga rugged at punk style na girls?" Sabi niya habang naglalakad sila. Wala lang para may mapagusapan. Kuryuso din kasi siya sa preference ng kaibigan. She wanted him to be happy.

Habang naguusap sila ay pumapasok na sila sa lobby ng Hotel. Wala siyang kakilala at hindi rin naman niya inililinga ang ulo para makita ang kabuuan ng Hotel kaya wala siyang ideya kung may kakilala ba siya na nakakita sa kanila o kung sino ang tao na nakatingin sa kanya.

"Hmm. Especially iyong nakakapagpapaalala sa akin sa mate ko." Now she can say that she's right, Beanca or Bernardo is still lonely.

Tinapik niya ito sa likod para pagaanin ang loob ng lalaki. Hindi naman niya gusto na ibalik ang nakaraan nito at palungkutin.

"Kahit ano ka pa nandito lang ako. I'm always wishing for your happiness--" Naputol ang pagsasalita niya ng biglang may humablot sa kanyang kamay na nasa likod ni Alba.

Hindi naman masakit pero medyo bastos naman ata ang paghawak nito sa kanya habang may kausap siya.

"What the... hell?" Gusto at handa na sana siyang murahin ang pangahas na lalaking iyon ng makita niya kung sino ang lalaki.

Gentleman Series: The Vampire MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon